"SANA MAULIT MULI"

170 2 0
                                    

Gusto kong balikan
Gusto kong balikan ang nakaraan,
Kung saan tayo palang dalwa
Kung saan wala pang siya sa buhay mo.
Gusto kong maulit muli ang nakaraan.
Nakaraan na magkasama't masaya pa tayo.
Nakaraan na kung saan pinaparamdam pa natin sa isa't isa ang pagmamahal.
Umasa ako na tayo na hanggang huli,na ako lang ang mamahalin mo, na ako lang ang bibigyan mo ng atensiyon at oras mo.
Gusto kong maulit muli ang dating tayo
Dating tayo na masaya.
Alam kong malabong mangyari yon.
Pero mahal,
Umaasa ako na balang araw
Muli nating mababalik ang ating pagsasamahan.
Pagsasamahan noon na ngayon ay nasira na dahil nakahanap kana ng mas angat sakin.
Siguro binaon mo na sa limot ang ating pagsasamahan noon.
Pero ako, mananatili lang sa puso ko ang ating pinagsamahan.
Kaya sana maulit muli ang tayo.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon