Prologue

20 1 0
                                    

Third Person View

1856

Masayang nanonood ang mga tao sa pagbagsak ng mga bulalakaw hanggang sa isang matandang babae ang nagsisisigaw.

"Umalis na kayo. Delikado rito, umalis na kayo!!!"

Paulit-ulit nya itong sinabi hanggang sya ay tumigil. Marami nga ang nandito: pamilya, barkada at magkasintahan.

Kung may mangyayaring mang masama, baka pagpatay pero hindi, halos lahat ng tao dito ay nagkakatuwaan.

"Andyan na, andyan na, andyan na!!!"

Paulit-ulit nya itong sinasabi at pagkatapos, sya ay tumawa pero wala namang pumapansin sa kanya. Ang mga tao ay nagsasayahan hanggang may lumitaw sa kalangitan.

Malaki, maliwanag at bilog. Sa papalapit na pagbagsak nito ay lalong natuwa ang mga manonood. Ang iba ay naglabas ng kanilang panulat at papel upang matala ang makasaysayang pangyayaring kanilang nakikita ngunit ang matandang babae ay nagtatatakbo sa malayo.

Hanggang sa bumagsak ang malaking bulalakaw at ito ay pinuntahan ng mga tao.

Sa paglapit nila may lumabas na luntian, bughaw, pula at dilaw na liwanag at kumalat sa mga tao ang mga kulay na ito.

Ang mga tao ay napahiga sa damuhan, ang iba ay nahimatay, at ang iba naman ay nawalan na ng hininga at namatay.

PRESENT

"Ang creepy naman ng nakasulat dito, halatang gawa-gawa lang eh." sabi ng batang babae habang tinititigan din ng mga kasama nyang bata sa isang museum.

"Oo nga eh." pag-sangayon nang katabi nya.

"Sana nga totoo yan." sabat naman nang lalaking kaklase nila.

"Okay class fall in line, at lilipat na tayo sa isang station."

Nagsipila na ang mga bata at sumunod sa kanilang guro pero may isang bata ang nanatili paring nakatayo sa harap ng papel.

"Totoo yan." paulit-ulit nyang sinasabi habang tinititigan nya ito.

"Mike anong tinatayo mo dyan nakalayo na sila ma'am oh, pasalamat ka hinintay kita." tawag ng isang batang babae sa kanya.

"Eto na, nagsintas lang ako." saad nito sa babae at humabol doon.

"Alam mo Mike, parang hindi naman yun totoo eh, yung mga nakasulat gawa-gawa lang ata. Kase tingnan mo bulalakaw na may iba't-ibang colors, diba ung napapanood lang natin sa tv white lang color non." tanong ng batang babae.

"Totoo yun Helen, hindi mo ba tiningnan yung papel o nakinig ka lang?" tanong ni Mike.

"Nakinig lang." nahihiyang sagot ni Helen habang sila ay naglalakad.

"Sabi na nga eh. Kung tiningnan mo yung nakasulat doon, masasabi mong totoo yon."

"Eh ano ba yung mga nakasulat?"

Lumapit si Mike kay Helen at inilapit sa tenga ang bibig nito habang si Helen ay nag-aabang.

"Hulaan mo" sabi ni Mike at tumakbo na ito sa pila nila.

"Mike!!!!!!"

Meteor UniversityWhere stories live. Discover now