Elise PoV
Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung anong meron sa akin kung bakit ako natanggap doon. Di naman ako mayaman at sakto lang ang IQ ko.
FLASBACK
Pag-pasok ko pa lang sa gate ng school namin ay marami na ang mga estudyanteng nag-uusap.
"May pupunta daw na galing sa isang elite school at kukuha sila ng estudyante para doon na daw mag-aral." sabi ng isang senior.
"Talaga? Pano mo naman nasabi na elite school yun." tanong ng kaibigan nya.
"Maganda daw doon, pag nakapasa ka sa mga requirements, agad ka nilang kukunin at pag-aaralin don. Kahit nga anak ng pinakamayaman dito sa bansa di makapag-aral doon."
"Ha? Bakit daw di makapasok?"
Di ko na tinapos ang kanilang usapan at naglakad na ako papunta sa aming classroom. Pagpasok ko, dumiretso na ako sa aking pwesto at inilabas ang aking cellphone at nagpatugtog ng music.
Pagdating ng aming guro, nag-siayos na kami ng aming upo.
"Okay class. Siguro narinig nyo na ang mga usap-usapan ng mga estudyante. Narito ang Meteor University o mas kilala bilang MU upang ibahagi sa inyo kung bakit sila nandito, narito ang kanilang guro na si Dr. Alexander Snow." sabi ng aming Prof.
"Ang pogi nya."
"Ang cool nya." sabi ng aking mga kaklase.Sya ay ngumiti at nagpakilala. "Hi I'm Dr. Alexander Snow, you can call me Dr. Alex. I am a professor in Meteor University, we are here to recruit some students here at South-Eastern University."
"Student come inside and give them the sheets."
"As you receive the paper, fill up the form and give the papers to Mr. Salvador and we'll meet you at the school clinic." pagtatapos ng sinabi ni Dr. Alex sya ay lumabas na sa pinto.
Nang pumasok na ang mga estudyanteng tinawag ni Dr. Alex, lalong nagsitilian ang mga kaklase kong babae dahil sa mga lalaking pumasok.
Matapos ma-fill up ang mga forms, kinuha na nila ito at umalis. At nagsimula ng magusap ang aking mga kaklase.
"Gusto kong makapasok doon, andaming gwapo. Tyak naman pasok ako maganda naman ako, matalino at maykaya." saad ni Klare, ang president ng aming klase.
"Ako gusto ko makapasok doon kasi baka may magagandang chicks doon, nagsasawa na ako sa mga mukha ng mga tao dito." sabi ni Josh sa kanyang barkada at sila ay nag-sitawanan.
Pagkatapos ng isang oras, tinawag ang aming klase papunta sa school clinic at pinapila kami at isa-isa kaming tinawag.
Madami ang natuwa at nalungkot sa pag-labas nila sa loob ng clinic. Hanggang sa ako na ang tinawag.
"Good morning, take your seat." pagbati ni Dr. Alex.
Umupo na ako sa upuan at sinagot ang mga tanong na sinasabi ni Dr. Alex.
"Kukunan ka lang ng dugo and after that you may go back to your classroom."
Pag-katapos kong kunan ng dugo at lumabas na ako sa pinto. Sa paglabas ko maraming mga mata ang mga sumalubong sa akin, dumeretso lang ako sa paglalakad patungo sa aming classroom.
After One Week
Habang nag-kaklase ang aming guro ay biglang nag-salita sa isang speaker malapit sa room namin.
"Attention! All students from freshmen to senior, come to our school's gymnasium." Tatlong beses yon pinaulit-ulit, hanggang sa ito ay tumigil sa pagtunog.
YOU ARE READING
Meteor University
FantasySa isang pag-bagsak ng isang bulalakaw noong 1850's, ang pamumuhay ng mga tao ay tuluyan ng nagbago. Sa pag-pasok nya ba sa paralang iyon ay matutuklasan nya ang kanyang tinatagong kapangyarihan o malalaman nya rin ang sikretong binaon na sa limot. ...