Chapter 03

7 1 0
                                    

Phrynx's POV'

Mabilis lumipas ang panahon at kinabukasan ay Exam na.

At ako? Ano'ng ginagawa ko? Syempre nagbabasa. Nagre-review kung paano na Fall si Angeline kay Paolo.

"Phrynx!" Napatingin ako sa bukas na pintuan dito sa kwarto ko at naroon ang Kuya ko.

"Oh?" Saka ako bumalik sa binabasa ko.

"May exam pala kayo bukas at ano yang nire-review mo? Wattpad? Eh kung pakainin ko sa'yo yang cell phone mo ha Phrynx?" May halong inis niyang saad pero di ko siya pinansin.

"Chapter 6 na ako." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Phrynx! Sabeng magreview na eh!" Nabwibwiset ko siyang pinagmasdan.

"Shut up kuya! Tatapusin ko to!" Paglaban ko pa.

"Baka gusto mong di maka-wattpad ng ilang buwan?" Halata sa tono ng boses niya ang pagkaseryoso.

Ugh! I hate it when he's threatening me like that!

"Bwiset." Bulong ko at inis na i-noff ang cellphone.

"Oh ano pang ginagawa mo diyan ha kapatid?!" Inis kong tanong sa kaniya ng napansin kong di pa'rin siya umaalis sa may pintuan ko.

"Babantayan kita kung nagre-review ka talaga."

Babantayan?! Urgh!

"No need! Magre-review ako wag kang mag-alala kuys!" Pagtanggi ko at kinuha ang notes ko para sa exam bukas. Nakagawa na kase ako ng reviewer.

"Sinong niloloko mo?! Hah! Babantayan kita!" Desido talaga sa desisyon niya.

"Fine!" Inis kong sagot at tumutok ng mabuti sa reviewer ko.

Gawd! Hindi ako makaka-review ng mabuti neto!

"Okay fine! Basta siguraduhin mong may mare-review ka!" Narinig ko ang yabag ng mga paang papaalis.

Napansin niya yatang balisa ako at grabe ang pagkakahawak sa reviewer ko kaya napagpasyahan ng umalis ng loko.

"Deym bakit kase ang hirap maging senior high?!" Inis kong bulong sa sarili at nag-umpisa ng mag-review.

-.-.-.-

"Oy Phrynx Nagreview ka?" Tanong ni Breah habang binubuksan ang tatlong yakult at nilagay iyon sa isang baso.

Magaalasyete na ng umaga ng makita ko siya dito sa canteen kain ng kain. Parati manang gutom ang babaeng to at talagang paborito niya ang yakult.

"Oo bakit?" Sagot ko sa tanong niya. Uminom naman siya ng kaunti sa yakult niya at tinapunan ako ng tingin.

"Wehhh? Eh akala ko ba may pa-Now Re-reading TTYG. Don't care for the examination kapa sa post mo tong echossera!" Sabay lagok niya pa ulit sa iniinom niya.

Oo nagpost ako ng gano'n dahil wala naman talaga akong balak magreview kagabe at nasa mood ako magbasa ng The Ten Year Gap ni OwwSic

"Ka--"

"Hulaan ko! Binantayan ka na naman ng gwapong gwapo sa sariling kuya mo nooooooooo?! Pinagbantaan ka na naman na di makaka-cell phone nooooooooo?! Sabihin mo yung totooooooo!" Pagpuputol niya sa eksplenasyon ko dapat.

"Aba't alam mo." May pa-irap ko pang sabe at ininom ang natitira niyang yakult.

"Hah! Sa pagiging matagal kong bespar at fan girl ng prinsepe ng buhay ko syempre... Alams ko na" May pagpalo sa dibdib pa niyang aniya. Napa-iling nalang ako.

My Own StoryWhere stories live. Discover now