Chapter 04

2 1 0
                                    

Phrynx's POV'

"Oy! May meeting kayo diba?"

Kasalukuyan kaming nandito sa library at naghahanap ako ng libro about physical science.

Science  is my favorite subject at ayokong bumagsak sa quiz namin for tomorrow. Di ko rin maintindihan mga teachers dito. Last week examination namin then bibirahin kame ng quiz. Nakuu! Padugo ng utak!

"Oy Phrynx! Bakit di ka sumasagot sa tanong ko?" Tanong niya pa ulit pero di ko nalang talaga siya pinansin.

"Hah! Baka kase iniisip niya si ala-JD nilang EIC dunnn. Kaya di ka niya masagot sa tanong Breah dahil iniisip niya yon. Ayaw mo nun? Ma-iinlove siya for the first time! Kikiligin siya for the first time! Ngingiti siya habang iniisip yung crush niya for the first time! Mararanasan niyang ma--"

Natahimik siya ng batuhin ko siya ng librong hawak ko. Sapul sa may bibig niya at bumagsak ng malakas sa mesa.

"Ouch! Jusko naman Phrynx masakit yon ah?!" Inis niyang sabe sa'kin pasigaw.

"Sshh! You're not in an open field to shout!" Bigla siyang pinatahimik ng librarian.

"Tsk. Kainis ka beshywapp. Masakit yun! My precious lips geez! Paano ko na ma-lips to lips neto si Jong In kung ganito na yung bibig ko?"

"Kase OA ka at kung ano-ano ang mga pinagsasabe mo diyan. Anong in love kay EIC namin? I'm surely happy and contented. I have Deib, Zeke, Elijah, Tristan, Nathan, Azi, Juanito, Jasper, Jeydon, Loki, Ace, Josh, Ic--"

"Hep hep hep! Tama ng ratatatat diyan! Kala mo naman mga totoo yang pinagsasabe mong bruhang to! Heh! Atleast si Mr. EIC Reeeeaaaaaaaaallllllll! Di katulad niyang mga pantasya mong Fictioooooonnnnaaaaaallllll!" Pagsasampal niya sa'kin ng katotohan.

"Foul yun qaqo!" Sabay hampas ko ulit sa kaniya.

"The two of you get out of my library! NOW!" Sabay kaming napatalon sa gulat ng may biglang humampas sa mesa namin dito sa loob ng library.

"Ayy! Butiking aswang!" Gulat na sigaw ni Breah.

"I said get out of MY LIBRARY NOW!" Mukhang sasabog na sa kapulahan ang mukha ng librarian at umuusok na yung ilong at tenga niya. Agad ko nalang niligpit ang mga gamit ko ng mabilis ganun na'rin si Breah at nilisan na namin ang lugar na iyon.

"Punyeta Beshywapp! Nakakahiya yun kanina!" Angil ni Breah habang naglalakad kame papuntang room.

"Maingay ka kase." Pang-iinis ko sa kaniya.

"Tse! Kung hindi mo ako binato ng libro kanina hindi ako makakaingay!"

"Kung hindi naman kase pinaglihi sa armalite yang bibig mo at kung ano anong walang kwenta ang lumalabas diyan!"

"Kung sumagot ka sa tanong ko di tayo aabot sa puntong yun!"

"Kung hindi ka tumanong walang kaguluhan ang mangyayare!"

"Sira-ulo kang bruha ka!"

"Sira-ulo ka'rin!"

Nagkatinginan lang kaming dalawa at biglang pumihit ng tawa.

"Hahahahahahahahaha!"

"Bwahahahahahaha!"

"Para tayong mga sira!"

"Dati pa! Tanga!" Sagot ko nalang sa kaniya at tumawa na naman kame. Napatingin naman kame sa paligid at nakikita namin ngayon ang mga naguguluhang estudyante habang nakatingin sa'min.

"Hala beshywapp?! Na-weirdohan yata sila!" Biglang tapik naman sa'kin ni Breah.

"Haha! Sinong di mawe-weirdohan?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

My Own StoryWhere stories live. Discover now