Chapter 01

10 1 0
                                    

Phrynx's POV'

"Phrynx! Gising na diyan!" Dinig kong sigaw ni Kuya Phrynz sa baba na akala mo naman nakalunok ng microphone sa lakas ng sigaw.

"Tsk. Pwede naman i-utos kila manang." Bulong ko habang ina-ayos ang buhok ko.

"Kanina pa ako gising! Tsk." Sigaw ko rin sa kaniya pabalik at isinukbit ang bag ko sa balikat at sumulyap pa ulit sa salamin dito sa kwarto ko at tuluyan na'rin akong bumaba.

"Agahan na! Kumain ka na dito!" Sigaw niya ulit na pinandilatan ko lang ng mata at naupo sa isa sa mga upuan dito sa dining namin.



Simple lang ang buhay ko na may maingay na kuya. Tahimik na mga katulong at mapagmahal na mga magulang. Whatever.

"Kumain ka na sabe." Sabay subo ng kanin ng kapatid ko.

Sumandok nalang din ako ng kanin at ulam. Maya maya pa habang kumakain ay dinukot ko sa aking bulsa ang cell phone ko at deretsong pinindot ang application na color orange na may puti na may letrang W na siyang bumubuhay sa cell phone ko.


"Ayan! Wattpad na naman. Kumain ka nga muna!" Sita sa'kin ng kuya ko pero hindi ko siya pinansin at patuloy na nagbasa ng story.

"Ano ba yan Phrynx! Kaya napapabayaan ang grades eh!" Inis naman akong napatingin sa kaniya.

"Pinagsasabe mo diyan?" Nakanguso kong tanong sa kanya at uminom ng tubig.

"Aba't totoo naman! Kaya di nakaka-aral ng mabuti dahil kaka-wattpad!"

"For your information lang kuys, Baka nakalimutan mong top ang kausap mo." Sagot ko sa kaniya at bi-nack nalang sa home screen ang phone ko.

"Alam mo Phrynx, tigil tigilan mo na ang pagwa-wattpad na'yan ha. Naku! Lagot ka kay Papa pag nalaman niya to! Ano ba'ng makukuha mo diyan? Mag-aral ka nalang muna." Sabi pa niya at napa-iling na ngumunguya pa.

"I can do both reading wattpad and my studies kuya. Besides marami akong natutunan diyan." Atsaka ako muling sumubo.

"Matututo ka lang na magkaroon ng boyfriend diyan sa pagwa-wattpad mo."

"Tsk. Di ah! Ano'ng akala mo sa'kin? Isa pa, gusto yata ni mama na magka-boyfriend ako." Sagot ko at tinaas baba pa ang kilay.

Oo totoo yun. Si mama gusto na niya na magka-boyfriend ako. Di ko rin talaga gets. Eh ayoko!

Gusto ko yung mala Ice or Jeydon or Elijah or Juanito or Deib Lohr or Zeke or Ace or Giovanni or Nathan or Tristan or Elton or kung sino pa mang leading man sa wattpad.

"Baka naman kase tomboy ka talaga kapatid." Napa-irap naman ako.

"Baka naman kase mataas ang standards ko sa isang lalake." Sagot ko at saka sumubo ng panghuli.

"19 kana Phrynx. Kung paiiralin mo yang standards standards na'yan ang unfair naman yata diba? Maghahanap ka ng tulad nung tao, paano naman yung iba?" Napatingin naman ako sa kaniya dahil may naalala ako sa sinabe niya.

Eh?

"The despicable guy! Aminin mo nga sa'kin! Nagbabasa ka'rin ng wattpad no?! Hawig sa line doon eh!" Sigaw ko habang tinuro turo pa siya. Pakipot din to eh nagbabasa lang din pala! May nabasa akong ganon eh! Di ako pwedeng magkamali!

"Eh? Baliw ka ba?" Kunot noo niyang sabe.

"Yun talaga eh!"

"Baliw ka na nga! Bilisan mo na nga lang diyan at male-late na tayo. Ako gagamitin ko ang kotse ko. Ikaw magpapahatid ka nalang kay Kuya Ben." Di na ako nakipagtalo dun sa linyang niya about sa standards eklabu! Tinanguan ko lang siya kaya umalis na siya do'n at iniwan ako.

My Own StoryWhere stories live. Discover now