BACK TO SCHOOL

25 1 0
                                    

Judith POV


"Hay nako naman! Pasukan nanaman, nakaka tamad!"

Nag aaral ako ng mabuti pero minsan tinatamad talaga ako. Grade conscious ako kung alam niyo lang. Kagagaling ko lang sa bakasyon at hindi ako excited pumasok.


" Judith! Ano ba bumaba kana jan ! Nandyan na si kuya nat! Yung service mo kanina pa nag aantay!"


Nako yan si mama tuwing papasok ako laging nasigaw! Hay!


Simple lang naman ang buhay ko di marangya pero okay narin. Nag aaral ako sa isa sa kilalang school sa lugar namin. Mabait din naman akong bata.....Noon. Bago ko pa maranasan ang pang bubully sakin when I was in grade three. Transfery ako noong panahon na yun. Dun ko naranasan ang ma bully dahil napunta ako sa lower section. Section one ako nung grade one at section 2 ng grade two sa dati kong eskwelahan. Mama ko ang nag decide na ilagay ako sa lower section mas okay nadaw yun dahil may kapit bahay akong ka-klase. Iba't ibang uri ng pang bubully ang naranasan ko. May ilan na ginawa akong taga sulat nila sa note book. Nilalagyan ng bubble gum ang palda at mahabang buhok ko at marami pang iba.



Natapos nalang ito nung grade six ako noong may nakilala akong kaibigan na silang nag tatanggol sakin at nag turo kung paano lumaban. Pero mukang may hindi rin magandang dulot, dahil minsan nagagamit ko na sa mali. Na umabot na sa punto na sa loob ng klase nag wawala ako. Ni ultimo teacher namin inaaway at binabastos ko. Mapalad nalang ako dahil may utak ako dahil kung hindi, binagsak na ko. Unang una na siguro sa GMRC.




Isa ako sa choir ngayon sa pinapasukan kong school. Kaya kahit pang hapon ako, minsan pumapasok na ako ng maaga lalo na kung may practice. It started when I was in 1st year high school at ngayon 3rd year na ako sa pinapasukan kong school.



"Ma alis na po ako"

"Sige, mag ingat ka. Sumabay ka sa service mo pag uwi wag kana gumala!"


"Sige po"


Heto na.. Hinahanap ko ngayon yung room kung saan ako. Malaki ang school namin. Hindi private school. We have 30 sections ngayon sa 3rd year at napunta ako sa section 10. Ang higher section ay sa pang hapon then the lower section ay sa umaga. Buti nalang at nasa hapon ako dahil tinatamad akong pumasok sa umaga. Pero minsan no choice dahil kailangan para sa practice ng choir.




Kaka hanap ko ng classroom ko may narinig nalang akong sumisigaw sa loob ng room at tumakbo palapit sakin. Siya si roda ang bakla kong kaibigan!


"Uy bhe! Classmate tayo!!!! Buti nalang may kakilala na ako dito! Kanina pa kita inaantay! " Bati sakin ni Roda.


"Pwede ba ang ingay mo hapon na hapon oh! Nakaka bulabog ka!" Sagit ko sa kanya na may pagka iritang tono.



" sorry naman beshy im so exited lang naman!" Sagot niya sakin habang nag lalambing.



May isa ring lumapit sakin, kaibigan ko siya since second year. Maganda siya morena, mahaba ang buhok at may lahi. She's victoria.



"Bhe mag ka klase tayo ulit buti nalang!" Masiglang bati ni Victoria.



" yeah..." Maikling sagot ko


"Mga bhe tabi tabi nalang tayo" Aya samin ni Roda.



At ayun nga nasa gitna nila akong dalawa. Naka upo kami sa pinaka gitna ng dulo ng helera ng upuan Wala na kaming seating arrangement kasi naman kulang ang upuan duh! Yung iba nasa sahig pa naka upo. Hayyy pag ako talaga yumaman mag dodonate ako dito!



Bigla namang nag aya si roda na kumanta. Habang wala pang teacher ayun bongga ang hiyaw namin mag kakaibigan. Tawanan, kantahan at kanya-kanya ring daldal ang iba naming kaklase. Ng biglang dumating ang aming magiging adviser.







" Good afternoon every one! Im Ms. Gina, your adviser and English teacher. Tommorow, we will be having an election for our room officers, so be ready! Nako po election nanaman. Mukang mabait naman ang magiging adviser namin. Mahilig siyang ngumiti.

" Class! Have time to know your classmates okay? Good bye class! I have an emergency meeting. Nice meeting you all and see you tomorrow." Natawa naman ako sa emergency ee kapapasok lang niya. Tsss



"Good bye Ms. Gina!" Sagot ng mga kaklase ko.


"Hayy nako nominominate pang nalalaman! Hindi naman effective. tsss." Bulong na reklamo ko, na tila narinig din ng katabi kong si Roda.

"Kung mag salita ka di ka kabilang sa kanila! Siguradong PRO ka nanaman" tukso ni Roda, tss diko naman din ginusto sila lang itong boto ng boto!




Mula sa labas patakbong lumapit samin ni Roda si Victoria habang humihingos. Mukang may nasagap nanaman sa labas.
"Bhe maynakilala ako!"


"Ano nanaman ba yan! Dami mong gusto!" Sagot ko sa kanya na siya naman ikinatawa ni Roda.


" hala siya wala pa naman akong sinasabi" simangot na sagot niya sakin ni Victoria.


"Ano nanaman ba kasi yun!" Sagot ko.


" Meron kasi akong crush! Gwapo siya bhe gwapo talaga as in!" At talagang sobrang saya niya pa. Na mukang nalimutan niya na ilang araw palang ang pasok susme! Pansin ko lang din kasi na bawat taon may mga bagong transfery. Baka transfery yang tinutukoy niya.





"Ohhhh????saan????" Sagot ni Roda Habang lumilingon ng 360 hahah.

" ahhh...." Walang ganang sagot ko.


"Classmate natin siya bhe! Gusto ko siya maka partner! Iboto niyo siya as escort kasi sigurado naman ako ang Muse " Wala na talaga akong masabi sa confidence ng babaeng to. Sabagay may karapatan naman siya dahil maganda siya.




" Tigilan mo ko at wag mo kong pinag dadamay sa kalokohan mo!" Sarkastikong sagot ko.




"Talaga beshy gwapooo???!!" Excited na sagot ni Roda kay Victoria.


" Napaka kill joy mo talaga Judith!" Sabay hampas sa braso ko. Oo roda kumikinang ang mga mata niya! Mahaba ang pilik mata! Tahimik at di namamansin pero muka namang mabait." At talagang sa harap ko pa talaga sila nag ingay ahh! Diba nga nasa gitna kasi ako ng dalawang to? At ano bang kumikingang ang sinasabi neto ni Victoria? Baliw neto!


Diko na sila pinag kakausap ingay nila ee! Yumuko nalang ako sa mesa ng upuan ko. Oo maingay din ako pero naririndi ako sa kanila! Hindi ko bet ang topic nila.



Palingon lingon din ako dahil maingay rin sa buong klase. Napalingon ako sa bandang kanan nakakita ako ng lalaki na parang may hawig na artista! Oo hawig lang noh! Edi sana pinag kaguluhan yan kung talagang artista! Actually, hindi pa na tuturo ni victoria yung crush niya kuno! Naisip ko baka yung lalaking may hawig na artista. Wala naman akong pake tsss bahala sila.


Maya maya pa natapos na ang buong klase na wala naman ginawa. Pano kakaumpisa palang naman kasi ng klase. Hayy kapagod!


Nag paalam na ako sa kanila na uuwi ako. Sumabay ako sa service ko nakaka tamad gumala ee.

Ano nanaman kaya ang mangyayari bukas hayyy!




_________________

Hello po!

Here's the first part of the Story. Sana magustuhan niyo☺️ please leave some comments po. Need ko po yun para ma improve ang pag susulat ko❤️ God bless!

OUR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon