Nagising nalang ako sa pag ayog sakin ni Roda. At mukang balak ata netong baliin ang buto ko sa lakas ng pag yugyog niya. Dahan dahan akong bumangon sa pag kaka yuko ko sa aking mesa. At mukang wala pa ako sa mood dahil nakaka ramdam parin ako ng ng pagka antok.
"Uy girl, plano mo? At bakit dito ka natutulog sa classroom? Ang aga mo ata? Excited lang pumasok girl?" Sunod na sunod na tanong ni Roda with matching hawak sa bewang habang naka tayo sa aking harapan.
"May practice kanina sa choir" walang ganang sagot ko.
"Ilang araw palang ang pasok pinatawag agad kayo? Ganun ba sila ka excited sa event ng school? Kaloka ahh!" Daldal ni Roda habang paupo sa aking tabi.
"Siguro" maikling sagot ko sa kanya.
"Ganun kaba ka pagod kaya one to six words ka nalang kung sumagot sakin? Gusto mo bang bumaba muna? Mamaya pa naman ang umpisa ng klase. Bili lang tayo ng fudangs! (Meaning for food)." Aya sakin ni Roda.
"May baon ako. Ayokong gumastos busog pa naman ako." Sagot ko sa pag aya niya.
"Wag kang mag alala wala kang gagastusin! Ako na bahala samahan mo lang ako. Napaka kuripot mo naman kasi! Tara na!" Pilit ni Roda sakin. At sumama naman ako tutal baka maka tulong din ito at magising na ang diwa ko.
Habang nag lalakad kami pa tungo sa canteen, tuloy tuloy lang ang daldal ni Roda. Simpleng kwentuhan lang nung nagdaang bakasyon. Buti pa siya naka uwi ng probinsya habang kami nasa bahay lang. Malayo kasi ang probinsya ng mga magulang ko kaya di nadin kami nag abala pang pumunta.
Narating na namin ang canteen malapit sa exit ng school. May tatlo kasing canteen sa school namin at ito ang pinaka malaki. Nag simula ng pumila si Roda at ako naman ay nasa tabi lang niya habang naka pila.
"Judith anong gusto mo?" Tanong ni Roda dahil nasa harap na siya ng tindera.
"Burger nalang" sagot ko.
"Bakit ba paborito mo yang burger na yan! Susme puro patties na laman ng tiyan mo gurl!" Ika ni Roda.
"Eh bakit kapa nag tatanong kung mag rereklamo ka? ha?" Sagot ko sa kanya.
"Oo na oo na! Ano may gulay ba yo o wala? May hot sauce o wala?" Tanong niyang muli
"Sige lahat meron." Sagot ko
"K dot! Palagyan ko nadin ng egg gurl para Todo na hahahha" suhestyon pa niya.
"Ok" simpleng sagot ko saka iniwan siya at umupo sa libreng upuan sa tabi ng canteen. Ang ingay dahil maya't mayang may dumadaan na mga estudyante. Maya maya pa ay dumating na si Roda at nilapag ang lahat na binili. Bumili nadin siya ng buko juice at sabay na kaming kumain.
"Gurl, bilisan na natin baka parating na teacher natin ngayong first subject." Pag mamadali ni Roda
"Tara na, kainin nalang natin to habang lumalakad." Aya ko sa kanya.
"Sure? Sige tara na. Baka nandun nadin si Victoria sa taas." Ika ni Roda.