Busy ako sa pag gawa ng activity ng biglang may tumabi sakin na lalaki. Hindi ko lang pinansin at dahil baka gagawa lang din ng sarili niyang activity. Tutal bigla namang lumabas si Roda at hindi ko alam kung saan napadpad ang baklang yun para lang sa pag hiram ng lapis. Yan ang karaniwang problema ng mga estudyante, ang mag hiraman ng gamit at mag hingian ng papel. Kaya ako kahit mabigat ang bag ko sa gamit tinitiis ko wag lang akong maka iwan ng bagay na alam kong kakailanganin ko sa klase.
Patuloy lang ako sa pag gawa ko habang naka ngud-ngod sa mesa ko ng biglang nag salita itong lalaki sa tabi ko.
" Ahh..hhhh... pwedeng maka hiram ng ruler?"
Napa angat ako ng tingin sa kanya...... At natulala ako sa kanyang mukha. Habang hawak ko ang lapis at ruler ko, isa lang ang sinagot ko sa kanyang tanong.
"Wala..............." Yan lang naman ang sinagot ko habang naka tulala sa kanyang mukha. At hindi ko din alam bakit yun ang salitang lumabas sa mga labi ko.
"Ahh....hhh.... Ganun ba? Sige salamat" sagot niya habang pinipigilan ata ang kanyang TAWA?? Hindi ako sigurado pero mukang tinatawanan ako ng palihim ng hinayupak nato!
Napa tulala nalang ako sa kawalan dahil hindi ko ata alam ang sinasabi ko. Kung pwede lang lumubog sa kinauupuan ko para matago ang kahihiyan ng marealize ko na hawak ko pala ang ruler. Tapos ganun pa ang mukha ko sa kanya at sinabi ko pang wala kahit na hawak ko lang naman ang hinihiram niya!
Tse!!! Hindi naman big deal sakin yun noh! Pero nakakahiya talaga ano bayan! Sino ba kasi yung damuhong na yun? Parang ngayon ko lang ata nakita yun?
In fairness, hmmmm may itsura siya ahhh. Ay mali gwapo siya.... pero tse! Diko siya bet!
Maka balik na nga dito sa ginagawa ko. Isa siyang distraction! Asan naba kasi yung bakla na yun? Kung di siya umalis alis dito sa upuan edi sana di ko naranasan yun! Letseng kahihiyan yan! Pag balik ng bakla na yun talagang sasabunutan ko siya! Hayyyy!!! Hindi ko alam pero kotang kota nako sa linggong ito ahh.
Pinag patuloy ko nalang ang ginagawa ko at hindi na inisip pa ang nangyari kanina dahil alam ko naman na walang madudulot sakin na maganda ang pag iisip sa bagay na yun.
"Gurl! Naka hiram nako grabe umabot pa ako sa kabilang section para lang sa lapis!" Bungad sakin ni Roda.
"Ano ba Rudolph? San kaba nang galing ha???!" Singhal ko sa kanya pag lapit na pag lapit.
"Hoy! Wag mo naman lakasan yang bibig mo! It's Roda not Rudolph! Wag mo nga akong tawagin sa pangalan ko nayan at nakakahiya! Kainis na bruha to! At isa pa sinabi ko na kung saan ako galing noh! Napaka bingengot nito! Napaka init naman ng ulo neto!" Just imagine guys na hindi na siya humihinga habang binibigkas lahat ng yan. Hahaha ganyan kasi siya wala ng preno preno lalo na pag tinawag ko sa totoo niyang pangalan.
"Tsss! Dami mong sinabi. Pa layas layas ka pa kasi. Napahiya tuloy ako doon sa kung sino mang kurimaw kanina na tumabi sakin." Pag rereklamo ko.
"Kurimaw? Sino ba yun? Gelet ne gelet te? Geste meneket??? Hahahah". Pang aasar ni Roda sakin.
"Eh hindi ko na maalala yung muka ee nawala agad sa isip ko basta may itsura siya yun lang naalala ko."
"Saan ? Saan????" Pa linga-linga ni bakla sa kawalan.
"Kanina nga diba? Kanina? Boba neto! Pa layas layas ka kasi"
" Ano ba yan hindi manlang ako hinintay." Lungkot at malandi niyang hayag. " Ee teka bakit naman G na G ka te? Ano ba kasing ginawa sayo? At nag mamaganda ka diyan!" Tanong ni Roda.
"Wala kalimutan mo na. Hindi naman mahalaga kaya wala ng dahilan para isipin pa" sagot ko sa kanya. Wala din naman kasi ako masasagot kay Roda dahil ako mismo hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagagalit. Kung dahil ba ng hiram siya ng Ruler o dahil napahiya ako sa harap niya noong sabihin ko na wala akong ruler kahit ang totoo ee hawak hawak ko lang.
Ewan ko ba! na drain na utak ko kaka isip. Mamaya mag papasahan na wala pako natapos dahil lang sa bagay na yun. Hayaan ko na baka di naman ako kilala nun iba kasi siya sa paningin ko, baka transfery.
Ace Pov
Natatawa nalang ako ng pa simple sa naging reaction niya sa pang hihiram ko ng ruler. Sa sobrang damot niya, natulala nalang siya bigla sa harap ko. Wala daw siyang ruler ee hawak lang naman niya.
Ganun ba sila dito sa pang hapon? Harap harapan nag sisinungaling na wala kahit meron? Hay nako dahil wala akong mahiraman at nahihiya na akong lumapit sa iba, sige gilid nalang ng ID ko ang gagamitin ko kaysa naman wala akong mai-pasa. Mag sisimula na sana ako ng biglang dumating ang kaibigan ko. At dahil mabait Si Lord, palapit na sakin si Andrew at wina-wagayway and nahiram niyang ruler. Hay salamat mapapa dali itong ginagawa ko.
Habang gumagawa ako ng activity, hindi maalis sa isip ko yung reaction niya. Natawa nalang ako sa sarili ko na marealize ko na yung Judith pala na yun ang hiniraman ko. Hmmm masungit na madamot pa. Pero ang cute ng reaction niya kanina.
Naririnig ko sila ngayon ng kaibigan niyang bakla. Maingay silang dalawa buti hindi sila nakaka istorbo sa iba at baka sanay na. Napa tawa nalang ako sa sarili ko sa mga pinag iisip ko. Matapos na nga itong ginagawa ko.
_______________________________
Hello everyone 👋 please vote and leave some comments ☺️
Yung mag comment dito sa part ng story nato, special mention ko kayo sa next chapter 😘
God bless!! 🙏