Prologue

218 6 6
                                    

Nagka crush ka na ba?

Na in love kaya?

Bakit ganun pag nakita mo yung crush mo, isang tingin lang niya sa'yo, okay araw mo.

^___^

Isang ngiti lang lumiliwanag na ang bawat madilim na daan. Naman!

XD

Dumaan lang sa harap mo, masaya kana.

(^_^)

Masulyapan mo lang ayos na ayos na lahat ng problema mo.

Kahit na di ka niya pinapansin, kahit para sa kanya parang kang hangin, kahit

na para sa kanya you don't exist pero, okay lang basta siya, mahal mo eh.

#________#

Ganyan na ganyan si Kevin Lee.

Fifteen years na niyang mahal si Isabelle So. Little sister nang best friend niya.

Lahat yata nagawa na niya para mapansin lang siya nito.

Noong mga bata pa sila lagi siyang nagpapacute dito. Lagi niyang binibigyan

ng chocolates. Lahat ng gusto nito gusto din niyang ibigay dito.

Minsan ay pinagdudahan pa ng kanyang mga magulang ang kayang kasarian

dahil sa tuwing magpapabili siya ng laruan ay puro pambabae ang pinapabili

niya para may maibigay siya kay Isabelle.

Kahit ano ginawa na niya, gustong gusto siya ng mga magulang nito, pati kuya

ni isabelle kinaibigan na din niya para lang mapalapit siya dito pero wala pa

din.

Sinubukan na din niyang ibaling ang pagmamahal niya sa iba para lang

malaman kung infatuation lang ang kanyang nararamndaman pero ito pa rin

ang itinitibok ng kanyang puso.

Kung ituring siya nito noon para siyang isang aliping sagigilid. Tuwing nakikita

siya nito para itong nadidiri sa kanya at dinadaan daanan lang siya nito.

Hanggang sa isang araw nung high school silaay naasar siya dito at tinukso

niya ito. Sa wakas ay napansin din siya nito kahit na not in the way he wants

. Basta lang mapansin siya nito. Kaya naman araw araw niya itong tinutukso.

At dahil dun ay itinuring siya nitong kaaway.

Nasabi na niya yata lahat nang masamang pwedeng itukso kay Isabelle,

natawag na niya si Isabelle na baboy kahit sexy naman ito sa paningin niya,

maasim kahit na napakabango naman nito, buwaya at masiba kahit hindi

naman.

(- -,)

Kahit na asar na asar ito sa kanya tuwang tuwa naman siya sa nakikita niyang

reaksyon nito.

Pero isang araw matapos niya itong asar asarin bigla itong umiyak sa

harapan niya.

"Nakaka asar ka na! ayoko na! ayaw na kitang mahalin!"

"Tapos na ako sa pagtitiis sa pang aasar mo sa akin! Mag mula ngayon,

Ibabaling ko na sa iba ang feelings ko para sayo! I hate you Kevin Lee!" sigaw

nito sa kanya.

O_O

Inasar asar niya si Isabelle nang maraming taon para lang mapansin siya nito

pero mahal na din pala siya nito noon pa.

Ano ang gagawin ni Kevin sa nalamn niya? Pano niya maibabalik ang

nawalang pag - ibig sa kanya ni Isabelle?

---MAC---

^___^

Itutuloy (- -,) hakhakhak

Thanks for reading.

Kung gusto niyo please vote or leave a comment at least.

Please comment po kung karapatdapat bang ituloy ang story.

Please Tell Me Not to Stop...Loving You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon