August 26, 2018; Sunday, 12:17 NN

18 3 2
                                    

A/N: This one is quite long and I must say it's a cliché?  Vulgar words ahead!

You have been warned!

August 26, 2018; Sunday, 12:17NN
One-Shot


"Thank you, ho!" Walang emosyong wika ko doon sa nurse na nag-asikaso sakin. Ngumiti naman ito at nag-paalam na mauna na siya.

Pinagmasdan ko lang siyang lumabas sa kwarto at tuluyang napabuntong-hininga nang mawala na ito. Kaka-discharge ko lang ngayon at kahapon pa raw ako dito sabi nila.

Tahimik lang akong lumabas sa ospital na para bang walang nangyari. Kasi sino ba naman ang hindi masasanay? Duh! Ilang araw din akong pabalik-balik sa ospital no?

While on my way, naisipan kong dumaan sa malapit na convenience store para mamili ng mga mati-tripan kong pagkain. Di ko na alam nangyayari sa buhay ko, bahala na kung may makita ako dun...

Natatanaw ko na yung convenience store at natatanaw ko nanaman yung kawawang matandang namamalimos doon. Then bigla nanaman akong nakaramdam ng kung ano. Basta kumuha na lang ako ng kung anong makukuha sa bulsa ko at inilagay doon sa lata ng matanda.

"Maraming salamat ulit, hija!" Wika ng matanda na sa ngayon ay may malapad na ngiti.

Sa tuwing napapadaan ako dito, lagi akong nagbibigay sa kanya. Well, wala rin naman akong ibang dadaanan kasi dalawang kanto lang ang layo ng tinutuluyan ko doon sa likod ng convenience store at ito lang ang only way. Minsan nga naiisip kong modus 'to ni lola pero inalis ko na sa hinala ko yun. Hindi naman niya ata magagawa yun?

Tulad ng dati ay nginitian ko lang yung matanda at nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa convenience store... Hindi rin naman ako nagtagal dun, bumili lang ako ng chips at beverages tapos umuwi na kaagad.


Nakakasawa na yung ganitong buhay, paulit-ulit na lang 'tong scenario. Kain, iyak, tulog, gising sa ospital, uuwi sa bahay- uuwing mag-isa at walang kasama.

I stared at my huge mess, sobrang kalat ng bahay ko. Hindi ko matandaan kung kailan ang huling linis ko rito, but hey girl?! Until now tanda ko parin kung anong petsa nangyari yung isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Tss. Buti pa yun naalala ko pero paglilinis ng bahay hindi. Shit.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka nahiga sa kama. Bakit ba humantong sa ganito? Hindi naman ako ganito noon. Hindi tayo ganito...

May kung anong bagay ang tumutusok sa likuran ko kaya agad kong kinapa ang hinihigaan ko at sa ilalim nito ay may isang picture frame na basag. Napatingin ako sa larawan na nasa loob ng frame. Ang saya nila, ang saya namin. Sana laging ganito.

Kitang-kita ko ang dating kami sa larawan; magkayakap, nakangiti, at mahal na mahal ang isa't-isa. Shit! Until now, fresh parin lahat. These fucking imaginary scars still haunts me.

Bigla namang lumabo ang paningin ko. Umiiyak na pala ako. Tss, here we go again.

Puro mga pag-iyak ko ang naririnig ko sa madilim kong kwarto. Feeling ko nag-iisa ako kaya naman niyakap ko na lang ang picture frame at inalala lahat ng mga memories namin...

Kahit na masakit.

"Fuck you, Ardy for letting me suffer like this." Bulong ko sa sarili.

Napapangiti na lang ako ng mapait habang inaalala siya. Sa sobrang pagreminisce ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

08/26/18; Sunday, 12:17 NNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon