Isang katawan na may maputing balat
Balat na puno ng mga sugat
Sugat na gawa ng mga taong mapangahas
Mapangahas sa kapangyarihan
Lahat ng tao ay nagkagulo
Nagkagulo dahil sa nakitang bangkay
Bangkay ng isang batang inosente
Inosente sa nangyayari sa bayang kinalakihan
Ang batang iyon ay isa lamang biktima
Biktima ng magulong bayan
Bayan na pinangunguluhan ng mga taong sakim
Sakim sa gulo, dugo at kapangyarihan
Ang nangyayari sa bayan ay napakasakit
Napakasakit para sa mga naging biktima ng magulong pangyayari
Pangyayari na akala mo sa isang pilekula lang makikita
Makikita mo pala sa totoong buhay.
