Chapter One

71 3 0
                                    

“Kyla, Kyla. Gising.”

"Parang may tumatawag sa 'kin, si Aira ba 'yon? Teka paano niyang nalaman ang lugar na ‘to at nasaan siya?” naguguluhang tanong ni Kyla sa sarili habang lilingap-lingap sa paligid niya.

“Do not wake her up, Aira, because she’s dreaming of a better Philippines. So do not disturb her,” saway ng guro nila sa kaniya habang titig na titig sa nahihimbing na si Kyla.

“Wait si Ma’am ba 'yon? Nandito rin siya? Pero nasaan sila?” aniya habang tumatakbo patungo sa lugar na pinanggagalingan ng tinig ng mga ito.

“Hmm...” she sighed while raising her hands up, ngunit nabitin ito sa ere. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, nakita niyang sa kaniya nakatututok ang atensyon ng buong klase. The way they look at her, para bang gusto nila itong kainin siya nang buhay.

Lupa lamunin mo 'ko, now na!  Nakakahiya talaga unang beses kong nakatulog sa klase. Sa isip lang ni Kyla.

Mayamaya pa ay napuno na ng tawanan ang buong klase at mababakas sa maamong mukha ni Kyla ang labis na kahihiyan dahil sa nangyari.

Bakit? She wanted to ask them, but she didn’t have the courage to do it. Kaya sinarili na lamang niya. She knew her classmates well, mahilig talagang mambuwisit at mam-bully ang mga ito kahit na ang simpleng bagay, ginagawa nilang katatawanan.

“Hahahaha! Si Kyla may tulo laway. Eeiw!” malakas na sabi ni Max habang minumostra pa nito sa sarili niya na may mark ng laway sa gilid ng labi ni Kyla dahilan para mas lumakas ang tawanan sa loob ng klase.

Nakakahiya talaga! Ano ba kasing nangyari? Naalala ko, kanina lang ay nakikinig pa ako kay Ma’am habang pinapaliwanag niya 'yong lesson. Ang huling natatandaan ko ay 'yong nagsusulat na siya sa chalk board for our lecture. Tapos, tapos. Tapos wala na akong maalala. She tried to recall everything had happened before she fell asleep, but she failed to do so.

Pero ano ba talaga ang nangyari kanina? Parang totoong-totoo, imposible namang panaginip at imahinasyon ko lang ang lahat ng 'yon? Pero imposible rin namang magkatotoo, 'pagkat heto ako ngayon sa loob ng klase at pinagtatawanan ng lahat. 'Yong pakiramdam na gusto kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa labis na pagkapahiya. Never in my life na napahiya ako nan ganito. She said to herself while looking at the ground, 'pagkat pakiramdam niya, oras na magtaas siya ng tingin ay lalo siyang pagtatawanan ng mga kamag-aral niya.

“Max!” saway ng teacher nila rito habang isang nagbabantang tingin ang binigay sa binata.

Para naman itong damong makahiyang tumiklop at dahan-dahang umupo sa kaniyang upuan. Habang ang buong klase ay tumigil na sa pagtawa.

“Sorry Ma’am, 'di ko po sinasadys," nakayuko pa rin niyang wika, hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng guro dahil sa labis na kahihiyan.

“Ayoko nang mauulit ‘to sa susunod, Kyla,” seryosong wika nito, sabay talikod sa kaniya at nagtungo na sa harapan.

“Okay class, dismiss!” Pagkawika noon at nipigpit na ng guro ang kaniyang mga gamut at lumabas na ito ng silid-aralan.

Dismiss? Gaano ba 'ko katagal nakatulog?

“Tulog-tulog din kasi 'pag may time. Puyat kasi nang puyat,” nang-iinis na wika ni Jahris, isa sa mga kamag-aral niya na walang ibang ginagawa sa loob ng klase kundi ang mag-ingay.

“Ha!Ha!Ha! Nakakatawa!'Di bali nang kulang sa tulog, at least hindi kulang sa aral. Aral-aral din kasi 'pag may time, minsan try mo!” sarkastikong wika ni Kyla habang nakairap dito.

“Akala mo kasi kung sinong magsalita, at least ako naiintindihan ko 'yong mga lesson natin at gumagawa ako ng mga activities. Samantalang ikaw, araw-araw ngang pumapasok, nagbubutas ka lang naman ng bangko,” nanggigigil niyang wika sabay tayo sa upuan at lumipat na ng pwesto.

“Boom, sabog!” malakas na sigaw ni Sherwin dahilan upang magtawanan ang buong klase.

“Ano, baon ka? 'Di ka man lang nakaahon, 'no?” singit pa ni Kelvin, sabay belat dito.

Saang klase ba 'ko nakabilang? Alam mo 'yong pakiramdam na nakakainis at gusto mong ipagbabaon nang buhay ang ilan sa mga kaklase mo dahil mga isa’t kalahating may sayad. Bigti sa 'kin 'to. Grr!

“Kumusta naman ang pagde-day dream mo, nagkita ba kayo ni Kai?” maya-maya’y untang ni Jen sa kaibigan nang makitang malalim ang iniisip nito. Alam niya na may dinaramdam ang kaibigan pagkat ito ang unang pagkakataon na napahiya si Kyla sa harapan ng klase.

“Oo naman, yes!” Abot tengang ngiti nito nang marinig ang pangalan ng ini-idolong myembro ng Exo.

“Ayos, a! Nag-propose na sa 'yo?” Sakay nito sa trip ng kaibigan.

“Anong propose? Kasal na kaya kami," wika nito sabay yakap sa sarili na tila kinikilig.

“Kyla, antok lang 'yan,” nailing nitong wika.

“Hayan na si Sir,” wika ng humahangos na si JP papasok ng kanilang kwarto. Ss pagmamadali nito hindi nito napansin na may nakaharang palang silya sa gitna ng daan dahilan upang bumangga ito roon at napasalampak sa sahig.

Mga pasaway kasi ugali talaga nilang lumabas ng klase kapag wala pa ang teacher nila.

“Nakailang palaka ka, JP?” tanong ni Gerald sa pagitan ng pagtawa.

Nang mga sandaling iyon, hindi alam ni Kyla kung matatawa ba siya o maiinis sa kababawan ng kaniyang mga kamag-aral.

FANTASIA: Dream or is it for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon