“Nasaan ako? Hay, panaginip na naman. Tama, panaginip lang ‘to,” wika ni Kyla habang inilibot ang kaniyang paningin sa paligid, nagbabakasakaling may makita siyang bahay. Pero wala talaga, 'pagkat puro puno lamang ang natatanaw niya. Muli, nagpatuloy siya sa paglalakad nang walang tiyak na patutunguhan.
Ilang araw na ring may weird na panaginip ang dalaga, but this one is lot more different from her previous dreams. Pakiramdam niya, para siyang nasa Dream Land o Wonderland, sapagkat she never saw such kind of creatures and things in real world: ang mga puno rito ay nagliliwanag. Napahinto siya sa paglalakad nang mahagip ng kaniyang paningin ang maliliit na nilalang na lumilipad paikot sa isang puno.
Fairies! Wow, amazing! This is really enchanted. Fascinated niyang wika habang titig na titig sa mga ito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita, pakiramdam niya ay nasa isa siyang paraiso na puno ng mahihiwagang bagay at nilalang.
Habang minamalas ang kagandahan ng kapaligiran, hindi niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng isang napakalaking gate na kumikinang.
“Gate? Kailan pa nagkaroon ng golden sparkling gate rito?” nagtatakhang tanong niya sa sarili.
Paano ko kaya bubuksan'to, ang taas ng handle? Patuloy na tanong niya sa isip nang biglang bumukas ito.
“May moomoo!” sigaw niya sabay yakap sa sarili.
“Sana lang hindi magkatotoo sa 'kin 'yong kasabihang curiosity kills the cat.” Takot man ay mas nangibabaw pa rin sa kaniya ang kuyosidad na pumasok sa loob, subalit mas namangha siya sa kaniyang nakita. She never see a paradise like this.
“Wow! Isn’t it amazing? Teka nasa heaven na ba 'ko?” aniya at muli ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid ng malawak na lupain na tila ba isang hardin na may naggagandahang mga halaman na kumikinang ang mga bulaklak dahil sa repleksyon ng sinag na nagmumula sa araw. May mga puno ring hitik sa bunga hanggang mapadako ang mga mata niya sa isang puno 'di kalayuan sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.
“Jesus, kinuha na po ba ninyo ako? Ang bata ko pa po. Marami pa po akong pangarap sa buhay. Paano na lang ang Pilipinas kung wala na ako. Isa pa naman ako sa mga kabataang inaasahan ng aking bansa," mahina niyang sambit.
Napatigil siya sa kaniyang pagdra-drama nang biglang nawala ang lalaki sa may sanga ng puno nang tingnan niya itong muli.
“Nasaan na ‘yon?” tanong niya habang lilingap-lingap sa paligid. Hanggang maisipan niyang tumingala.
Bigla na lang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata kasabay nang pag-alpas ng mabibining hikbi sa kaniyang labi hangang sa ito’y mapalitan ng malakas na hagugol.
Deadz na ba ako? Bakit? Ang daming masasamang nilalang ang nagkalat, bakit hindi na lang sila? Bakit ako pa?
Napatigil siya sandali sa kaniyang pag-iyak nang maramdaman niyang may humawak sa kaniyang baba at iniangat ang kaniyang mukha.
“Hindi totoo 'to!” malakas niyang hiyaw sa pagitan ng paghagulgol. Hindi niya matanggap ang mga nangyayari sa kaniya.
Am I really dead? Ito na ba ang heaven na sinasabi nila?
Teka. Kung totoong patay na pala ako, dapat pala ay matuwa ako kasi love pa ako ni Jesus. Hamakin mo, hindi niya ako ipinatapon sa imyerno. Kita mo naman ang gwapo pa ng anghel na sundo ko--papabol. Swerte ko naman, wika niya sa isip at dahan-dahang pinahid ang mga luha sa kaniyang pisngi at pinakalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
FANTASIA: Dream or is it for Real
FantasíaWhat if world of fantasy do really exist?