BELLA'S POV
Matapos nung ginawa ko kila Jeric at Carrie sa restaurant, nagpunta muna ako sa States para makapag-isip isip tungkol sa career at sa buhay ko.
Ngayon, bumalik na ulit ako sa Pilipinas para ipagpatuloy ang career ko. Pumirma na ako ng one year contract sa MYM Entertainment at meron na agad akong provincial tour sa Cebu. Mahal ko talaga ang pagkanta, kaya nga kahit love life ko sinakripisyo ko at pinagpalit ko para sa pangarap na 'to eh.
Nag-aayos na ako ng mga damit na dadalhin ko para sa tour ng makita ko na naman ang picture namin ni Jeric sa may side table ng kama ko.
Si Jeric Tan, ang ex-boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya at katulad ng pagpapatuloy ko sa career ko, gusto kong ipagpatuloy ang dating love story namin. Wala akong paki-alam kung meron na siyang asawa at anak ngayon. Wala akong paki-alam sa sasabihin ng ibang tao at higit sa lahat, wala akong paki-alam kung tama o mali itong gagawin ko. Ang alam ko lang, gusto kong maging masaya at mangyayari lang yun kapag naging sa akin na ulit si Jeric. Gusto kong maramdaman niyang mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang kalimutan, na kaya ko pang higitan yung pagmamahal na binibigay sa kanya ng asawa niya. Alam kong kaya pa rin niya akong mahalin. Ako ang first love niya. Kelan lang naman sila nagsama ni Carrie. Mas matagal ang pinagsamahan namin.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"