Beyond Imperfections 1

36 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nagulat ako ng inabot sa akin ng asawa ko yung pregnancy test at nakitang may dalawang guhit.

"Positive mahal" nakangiti niyang sabi sa akin. Sobrang saya ko. Hindi ko mapaliwanag eh, parang first time ulit sa pakiramdam. Kaya pala nitong mga nakaraang araw sensitive na naman ang mahal ko sa pang-amoy niya at madalas laging inaantok. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa labi, "I love you mahal ko. Sobrang saya ko talaga." Hinimas ko ang tiyan ng asawa ko, "Hello anak! Sobrang saya ni daddy kasi nandyan ka. Huwag mong pahihirapan ang mommy sa pagbubuntis niya ha."

Natapos na ang basketball game ni Christian Bautista at magkaholding hands kami ng asawa kong nagtungo sa parking area.

"Excited na ako sa baby number two natin hon para magkaroon na ng kalaro si Jerene." natutuwang kwento ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo niya sa may balikat ko, "Oo nga mahal. Sana lalaki naman para may little Jeric na tayo."

"Sana nga mahal. Pero sa akin, kahit anong gender basta gusto ko lang na healthy kayo ni baby at safe ka."

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano habang nagdadrive ako. Nag-park ako sa may tapat ng Bon Appetit restaurant at lumabas ako para pagbuksan siya ng pinto.

"What are we doing here mahal ko?" nagtatakang tanong niya sa akin. Ramdam kong naguguluhan siya. Inalalayan ko siyang bumaba sa kotse at hinawakan ko ang kamay niya.

"I think it's good to reminisce the past." nakangiti kong sabi sa kanya. Pumunta ako sa likod ng kotse ko para kunin ang picnic basket at isinukbit ko sa likod ko yung gitara.

Inilagay ko na yung isang kamay ko sa likod ng bewang niya at sabay kaming naglakad papunta sa garden ng restaurant.

Wala ng tao sa restaurant dahil sinadya ko talagang ipasara ito ngayong gabi para i-celebrate namin ng mahal ko ang first anniversary namin at ang pagbubuntis niya. Kung meron man special na lugar para sa akin, ito na yung restaurant na 'to kasi dito ko siya unang nakilala.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon