Beyond Imperfections 20

7 0 0
                                    

BELLA'S POV

Panigurado akong natanggap na ni Carrie ang regalo ko sa kanya. Ako ang nagpadala ng kulay puting box na may pulang ribbon. Laman nito ang mga litrato namin ni Jeric noong gabi na nagkasama kami sa kwarto ko.

* * * Flashback

Masaya ako ng makita ko sila Sandy, Christian, lalo na si Jeric dito sa may bar nitong hotel sa Cebu. Panigurado akong nagce-celebrate sila dahil sa success ng concert nila kanina.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya naman nilapitan ko sila at kahit ayaw nila, wala silang nagawa ng sumama ako sa may table nila.

Ako ang naglagay ng pampatulog sa ice tea ni Jeric para masolo ko siya mamayang gabi. Wala silang kaalam-alam sa nangyari dahil kinuha ko ang pagkakataon na yun ng umalis sila sa table namin. Alam ko si Sandy tumawag sa kanya niya yung asawa niya kaya nagpunta siya sa labas. Si Christian naman lumipat ng table para kausapin yung mga staff at lasing na lasing na siya. Alam kong hindi na niya maalala ang mga pangyayari kinabukasan.

Pinagmasdan ko si Jeric mula dito sa may comfort room at nang makatulog na siya, inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko.

Nagpicture ako kahit tulog si Jeric. Ang pinaka-favorite ko sa picture eh yung hinahalikan ko siya sa labi. Sobrang namiss ko si Jeric at dahil kasama ko siya ngayong gabi, pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin.

* * * End of Flashback




Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon