SALAMIN

26 2 0
                                    


Looking around while walking downstairs. Only to see the not so clear surroundings. When I got down, I again looked around and as usual, it's just the blurred surroundings again.

Shit! Bakit ngayon pa lumabo ang mga mata ko? Ngayong kailangan ko ang kalinawan ng mga ito. Nahihirapan ako, araw-araw. Paggising sa umaga, hanggang sa pagtulog sa gabi.

Bawat panahong lumilipas, pawala ng pawala ang kalinawan ng aking mga mata. Mata na nagsisilbi kong gabay.

Bata pa lamang ako ngunit ang kondisyon ng aking mata ay hindi na maganda. Nanlalabo na ito. Nawawalan na ng kalinawan.

Napapa-isip ako, paano kaya kung tuluyang lumabo ang aking paningin at wala ng makitang malinaw? Paano nalang kaya kung ang mata kong nangsisilbi kong gabay ay biglang mawala? Paano na ako?

Ang mata ko, kasing labo na ng buhay ko. Sa totoo nga niyan, mas malabo pa pala ang buhay ko. Wala ng malinaw na parte nito. Lahat nalang ay malabo, hindi ko na maintindihan.

Kung nagkataong mawala ang kalinawan ng aking mga mata na nagsisilbi kong mga gabay, may mga tao kayang nasa aking tabi sa kabila ng aking kalagayan? Matatanggap kaya nila ako?

Gusto kong malinawan sa lahat ng bagay. Ngunit paano ako malilinawan kung ako mismo wala ng makitang malinaw?

Napukaw ng isang lalaking naka-asul na sando at naka-asul na pang-ibaba ang atensyon ko. Nakaupo siya ng isang nakaparadang bisikleta na may pintang itim at may asul din. Hindi maputi, hindi katangkaran ayon sa aking pagsusuri, bakas na bakas ang kaniyang panga, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at pilik-mata at may pagkakulay pula ang kaniyang mga labi.

Matamang tinitigan ko lamang siya hanggang siya ay lumulan at pinaandar na palayo ang kaniyang bisekleta.

Sino kaya siya? Ano ang kaniyang ngalan?

Teka lang,ilang metro ang layo ko sakaniya ngunit nakita ko ng malinaw ang kaniyang mukha. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, unti-unti na naman itong lumalabo.

Bakit ganon? Kanina'y malinaw lamang ang nakikita ko, noo g siya's umalis na, lumabo na ang lahat. Anong mahika ang mayroon ang lalaking iyon? Anong kapangyarihan mayroon siya at napalinaw niya ng kahit sandali ang aking mga mata?

Hanggang sa ako'y nakatulog, siya ang laman ng isipan ko. Sino ka? Anong ginawa mo? Gusto kitang makilala, gusto kitang makitang muli.

Lumipas ang taon, nakilala ko na din siya. Ngalan niya nga pala'y Lark.

Sa mga panahong lumipas, napalapit kami sa isa't-isa. May namumuong malalim na pagkakaintindihan na nagbunga ng hindi maipaliwanag na nararamdaman, pag-ibig.

Nang makilala ko siya, luminaw ang lahat. Kapag masama ko si Lark, lahat ng malabo nagiging malinaw. Hindi ko alam kung bakit ngunit para siyang may mahika na kayang linawin ang lahat.

Si Lark ang nagsilbing gabay ko mula noon. Siya ang naging salamin ng mga mata ko kaya luminaw lahat. Sa tulong niya, lahat ng iniisip kong negatibo, nagiging positibo.

Hindi ko inakala na ang isang tulad niya ang magpapabago sa buhay ko. Buhay ko na dating malabo, luminaw ng nakilala ko siya.

Pero syempre, hindi ko din makakalimutan ang mga kaibigan ko na laging andiyan at hindi din ako iniiwan.

Malas man ako sa buhay ko, swerte pa rin ako sakanila. Lalaban pa rin ako sa tulong ng mga kaibigan ko at ni Lark.

Sana lamang ay habang buhay na ito. Hanggang kamatayan. I love you best friends, I love you Lark.

11/XX/XX
Aia💛

Undelivered ThoughtsWhere stories live. Discover now