Shino Bakla,
Kung mababasa mo 'to, try to understand 'yung mga points ko. Sorry sa ibang mura ko dito, ha?
Shino, ikaw 'yung lalaking hindi ko inaasahang darating sa buhay ko at hindi ko din inaasahan na sayo ako mahuhulog.
Naalala mo noon, di ba nireject kita noon? Kasi that time, gulong-gulo ako. Depressed na stressed ako that time. Kaya kung makikita mo ako noon, madalas akong umiyak. Madalas din akong magbalak ng katayan noon. Kaso hindi ko maituloy-tuloy dahil takot ako. Dahil that time is almost my time. Because that time, I have no one except for myself.
Nagustuhan kita ng hindi ko alam ang dahilan. I started liking you with no reason. Magaling ka kumanta, magrap, matangos ilong mo, may special talent ang kilay mo, magaling kang sumayaw to the point na nakakainggit ka na kasi mas malambot ka sumayaw kaysa saakin, tapos gago ka din, given na yan lahat sayo. Kaya hindi ko alam kung bakit ni isa dyan, walang epekto saakin basta nagustuhan kita.
Habang tumatagal, lumalalim. Nagustuhan kita ng walang rason, at habang tumatagal, lalo kong naa-appreciate ang mga talento mo. All in one ka.
Feeling ko dumating ka para bigyan ako ng will to live. Oo, suicidal akong tao, fragile, pero u handle me with care. Pag dating sayo, panatag ako.
Sana mahintay mo ako. Kahit gaano katagal. Hindi naman sa pabebe o pahard to get ako. It's just that, gusto ko kasi kung ikaw na talaga, hintayin mo ako hanggang sa pwede na.
Gusto ko, ikaw na habang buhay. Ayoko sa iba, tangina. Gusto ko ikaw na yung huli kasi kung hindi ikaw, wag na lang.
Naiimagine ko na 'yung habang buhay natin. Masaya, thou may mga problema nalalampasan pa rin. Gusto ko kasama kita sa pagtanda. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Wala naman silang magagawa, buhay ko 'to, hindi sa kanila.
Wait lang, magsosorry muna ako. Sorry sa lahat ng kakulitan ko, sa hindi pakikinig sayo, sa pagiging moody ko, sa mga time na hindi ako sumusunod sayo. Sadyang makulit at matigas lang talaga ang ulo ko. Sorry for the times na kinakagat, kinukurot at pinanggigigilan kita. I can't help! Sorry. Sorry for not eating on time and not really eating sometimes. Hihihi.
Love, about nga pala sa pagkain ko almost everyday ng fries, sorry hihi. I just can't help to crave. Hayaan mo, I will try my very best to control myself.
Love, miss kita. Miss kita araw-araw. Kapag hindi kita kausap o kaya naman kasama, nag-aalala ako. Napapraning din minsan. Ayokong maging possessive sayo, gusto ko balance, gusto ko tama lang.
Nitong nakaraang mga buwan, napapadalas na 'yung pagkasabik ko sa yakap at boses mo. Naiirita ako minsan kapag maingay ka, pero kapag nanahimik ka ang lungkot ko na. Parang tanga lang, e. Kapag kausap kita, personal man o chat, ang saya ko. Kapag naman hindi na, wala na ako sa mood.
Kung pwede nga lang, araw-araw kitang kasama, e. Kaso hindi pwede. May weekends at bakasyon o pahinga. Hindi pa din kasi tayo legal :<. Pero hayaan mo, magiging legal din tayo.
Natatakot ako, love. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa loob ng ilang taon pa mula ngayon. Natatakot ako na baka may makilala kang iba na mas angat saakin, mas better ba at mas mahumaling ka sakanya. Natatakot din ako na baka mafall out of love ako sayo. Shit ayokong mangyari 'yon. Naranasan ko na ang bagay na 'yon kaya ayoko nang maulit pa.
Natatakot din ako na kapag legal na tayo, saka naman tayo magkakaproblema o magkalabuan. Tangina ayoko din mangyari yon. Natatakot ako na baka ayawan ka ng magulang ko o ayawan ako ng magulang mo. Natatakot din ako na baka may mangyaring hindi inaasahan na maging dahilan ng paglayo natin sa isa't-isa.
Oo, takot ako sa palaka pero mas takot ako kapag nawala ka. Source of happiness, energy at hope kita. Makausap lang kita, kahit mabigat pakiramdam ko, aayos ako. May mga time na naglilihim ako sayo tungkol sa nararamdaman ko, mentally, emotionally o physically man yan kasi ayokong mag-alala ka. Ayokong dumating yung time na didepende ako sayo. Ayokong dumating yung time na may masasabi ka.
Sa hinaharap, gusto ko ikaw yung kasama ko. Gusto ko, apelyido mo ang gagamitin ko. Kasi di ba, gusto mo din naman 'yon? Bet ko din HAHAHA.
Siguro love, kung hindi ako yung babaeng para sayo talaga, magiging maswerte yung babaeng yon sayo. Kasi kahit tarantado kang gago, seryoso ka. Pero hindi magiging maswerte yung babaeng yun pala kasi di naman kita iiwan. Paglalaingan na kuma ngay met?😆
Wag kang manawa saakin, ha. Oo makulit ako, nakakainis pero sobrang sensitive ko kasi. Wag kang magsawa saakin at sa ugali kong masama. Selosa ako ng sobra sobraaaaaaaa! Ganto na talaga ako, di naagbabago. Natatakot ako na baka magsawa ka saakin, e.
Oo nakaka-tangina ako, malihim to the point na I will still say 'Okay lang ako' even though I'm not. Alam ko last week lang, hindi na naman kita pinansin. Sorry. Hindi ko na sasabihin kung bakit at ayoko ding marinig ang topic na yon, worst, e. Basta ang mahalaga, okay na ako, promise.
Ayoko lang kasi talaga na ginagawa ng isang tao yung mga bagay na ginagawa saakin. Parang kunwari sila Janel, ayokong may iba pa silang kino-comfort the way that she does it to me. Oo, demanding ako. Demanding na babae. Nakakabwisit, no?
Kahit naman ayokong magsawa ka sa ugaling mayroon ako, darating ka din siguro doon. Kasawa-sawa kaya ugali ko. Magulo at hindi maintindihan.
Alam mo ba, last Friday, TLE time yon. Gusto na kitang lapitan kaso may something na hinohold ako para di ka lapitan. Kaya tinawag ko si Lornz. Sakanya ako nag-open, hindi saiyo. Kasi ayokong magkwento sayo kasi iiyak at iiyak ako. PERO SI LORNZ PINAIYAK AKO THAT TIME NAKAKAASARRRR!
Isa ka pa. Last Saturday. Nag-usap tayo ng dalawang oras mahigit ng hapon, di ba? Bago nga pala maputol 'yung tawag, 'yung time na tahimik na ko at di na gaanong nagsasalita, nung time na nakita mo 'yung post ko? At 'yung time na nagsosorry ka and you're telling something to me that I told you to stop? Sorry. Umiiyak na kasi ako that time. Ayoko lang ipahalata kasi miss kita and I badly want to hear your voice. Tapos kinagabihan, umiyak ako ulit. Sorry, I wasn't able to tell you. Ayoko lang na nag-aalala ka. Kasi I might disturb you.
Ayoko kasi talagang nag-oopen, e. Maiiyak at maiiyak ako. Kahit kanino pa yan. Kasi kapag naumpisahan ko na, expect mo na na tears na kasunod non. Ganyan ako kabaliw at kababaw.
Napaka-moody ko, oo. Di ko maiwasan, e. Bigla-bigla nalang talaga akong nawawala sa mood ng hindi ko alam. I mean, kahit nga nakaupo lang ako pwedeng mawala ako sa mood. Ganyan ako ka-abnormal, love. Kaya pasensya ka at baliw tong bebe mo.
Hindi ko maipapangako sayo 'yung habang buhay na pangarap mo. Pero ang maipapangako ko lang, mamahalin kita habang kasama pa kita. Habang buhay pa ako. Hindi ko naman hawak buhay ko. Hindi ko din hawak buhay mo. Pero basta, hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang.
Alam kong bata pa tayo pero wala akong pakialam. Basta ba kaya nating balansehin ang oras para sa pag-aaral at oras para sa isa't-isa.
Thank you for spoiling me with your hugs. Mamimiss ko yan kapag di na tayo magkaschoolmate o magkaklase. I will surely miss you this coming Vacay, DAMN!
Mamimiss ko boses mo, yakap mo at tili mo. Lalo kapag nakakakita ako ng ipis, lalo kitang namimiss HAHAHA charot lang. Wavyu kaya.
Ang korni ko na pakshet. Wag kang tatawa dito, a. Naiiyak ako habang ginagawa ko 'to. Umayos ka. HAHAHA
Basta magkalayo man tayo, ikaw pa rin ang mamahalin ko. Hindi ako naniniwala sa forever pero lagi kong ipagdarasal na sa hinaharap, ikaw yung kasama ko.
I AM THE MOST HAPPIEST, LUCKIEST AND BLESSED LADY IN THE WHOLE UNIVERSE BECAUSE I HAVE YOU, LOVE. THANK YOU FOR COMING TO MY LIFE, STAYING AND MAKING IT MEANINGFUL.
Wavyu Bakla ko! Ilysdm💛🌹
12/05/18
Aia💛
YOU ARE READING
Undelivered Thoughts
De Todo-Shino (There might be some typographical errors so bare with it)
