Day 6 with Siri

51 7 0
                                    

--

Dumaan ang sabado at linggo na naging kasaya saya sa dalagang si kelly , dahil nang mga araw na iyon ay ang mga araw na itinuon nya ang oras sa binatang si lemuel .

Naging sila nang mabilisang proseso ,. wala nang ligaw ligaw na naganap ,. dahil sa dami din pinag dadaanan nang dalaga ay napag pasyahan nya na nga na sagutin ang binata ,. lalo na nang mag text ito at humingi nang paumanhin sa kanya dahil di sya nito na samahan nung mga araw na nag hihirap sya sa panghuhusga nang iba ..

At ngayong lunes ay ayos na ayos ang itsura nya ,. nagpaganda nang sobra para sa kasintahang si lemuel na susunduin sya sa mga oras na iyon ..

"Baby labas ka na jan , andito na ako sa tapat nang bahay nyo ." -- mula sa mensaheng natanggap nya sa kasintahan

"Wait lang baby pababa na ako ." -- reply nya dito at dali daling lumabas nang kwarto .

--

Nang makalabas nang bahay ay halik sa pisngi at yakap nang kasintahan ang sumalubong sa kanya .

"Goodmorning sa pinaka maganda kong girlfriend / baby ko." -- sambit nang binatang si lemuel sa kanya

"Napaka bolero mo talaga kahit kailan , alam mo yun ,hmmp !--  wika nya sabay nguso nya na bigla naman sinunggaban nang kasintahan na ikinagulat nya ..

"Baby ! Gosh baka may maka kita sa atin , sira ka talaga .." -- wika nya sabay hampas sa balikat nang nobyo

"Haha ! ikaw naman kasi nguso ka nang nguso eh ,. lam mo naman kahinaan ko yan , malay ko ba'ng ini invite mo ako'ng halikan ka ." -- paliwanag nito sa kanya na ikina ngiti nya .

"Ewan ko sayo baby , tara na nga pumasok na tayo baka malate pa tayo dahil sa kaharutan mo ." -- sambit nya

Inakbayan naman sya nang kanyang nobyo at nag umpisa na silang mag lakad patungo sa sakayan .

--

Nang makarating sa tapat nang eskwelahan ay bumalik parang biglang bumalik ang sakit na naramdaman ni kelly ,. naalala nya na may isyu nga pala sya sa paaralan nila ,. may mga chismis na hindi nya alam kung alam ba nang kanyang kasintahan ,.Mula kasi nang maging sila ay hindi nya naisip ikwento dito ang nangyari sa kanya ,bagkus ay inenjoy nya na lang ang pag kakaruon nang boyfriend sa katauhan ni lemuel .

Si lemuel naman ay napansin syang naka tulala kaya agad sya nito'ng hinila na ikinagulat nya ..

"Baby ano'ng problema ? Ayaw mo ba'ng pumasok ." - dinig nyang sambit nito

"Baby ano kasi .. " -- sasabihin sana nya dito na masama ang pakiramdam nya para wag na silang pumasok pero nagulat sya dahil may mga estudyante na ang naka tingin za kanila at naka ngiti .

"Hala ! sila na pala ni lem , kailan pa ?"

"Hindi ko alam , narinig ko kasi baby ang tawag sa kanya ni lem eh ..

"Shocks ! Big news toh..

"Oo nga kaka inggit , pero gurl bagay sila , parehas silang gwapo at maganda ..

"Perfect couple nice !!

"Walang forever mag bebreak din sila sa 23, hahaha ..

Dahil sa mga narinig ay biglang nag taka ang dalaga , bakit parang wala ata syang narinig na masamang salita patungkol sa kanya ,.kundi usap usapan tungkol sa kanila ni lemuel ,.

"Ano baby , papasok pa ba tayo o hindi na ? -- dinig nya sambit nang katabi kaya napa lingon sya dito

"Ah oo sige tara na ..

Yun na lang ang nasambit nya at nag pahila na lang sya sa kasintahan para makapasok na sa loob nang eskwelahan ,.

--

Short update bawi ako sa susunod ..
Hirap nang signal sa bundok ..




SIRI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon