Day 7 with Siri

58 7 0
                                    


--

Halos pigil hininga ang ginawa ni mr. orevalo para lang wag syang mahanap nang taong nag kulong sa kanya sa isang lugar na hindi nya alam .

Nang gabi pauwi na sana sya para humabol sa kaarawan nang kanyang inaanak ay isang itim na  sasakyan ang tumigil sa harap nya at agad syang hinarangan ,, nung una akala nya ay mag tatanong lang ang mga ito , pero nang buksan nang isang maskaradong tao ang sasakyan ay duon na sya na alarma ,, tatakbo na sana sya nang mga oras na iyon pero agad syang napigilan nang isang kasama na naka maskara din katulad nito ni hindi nya ito napansin na naka amba na pala sa likod ang kasama nito  ,. Pinalo sya sa likod nang matigas na bagay na agad nyang ikinatumba ..

Nagising na lamang sya na may plastic na itim na nakabalot sa kanyang ulo , halos mamatay matay na sya nang mga oras na iyon pero ,, isa sa mga kasama nang maskaradong lalaki ang nag alis nang plastic  sa kanya , na akala nya ay naawa sa kanya at papakawalan na lang sya ,. pero maling mali pala sya ,. dahil ang taong iyon ay gusto lamang palang makipag laro sa kanya ..

"Asan na kaya si mr. orevalo ? siguro nag tatago talaga sya nang mabuti no siri ?" -- dinig na dinig ni mr. orevalo ang maliit na boses nang taong nagpaka wala sa kanya ,. alam nyang hindi ito ang totoong boses nito ,. dama nya na gumagamit ito nang bagay na pwedeng mag palit nang boses nang isang tao ..

" Boring " -- halos manlaki ang mata ni mr. orevalo sa isa pang boses na narinig ,. medyo parang pamilyar sa kanya ,. alam nyang narinig nya na ito pero hindi lang nya matandaan kung  sino , pero alam nya at kilala nya ..

" Siri ,. tingin mo lalabas sya sa lungga nya ? o tayo ang hahanap sa kanya ." -- wika nang salarin ..

" Kamatayan sa isang nilalang na nagkamali ."

"Kung ganon ,...-- kabadong kabado at hindi na talaga alam ni mr. orevalo ang gagawin dahil sobrang lapit na nang boses nang taong iyon sa kanya ., ano mang oras pwede na syang mamatay kung tutuusin ..

"Dyusko ! tulungan nyo po ako , wala akong ginawang mali sa buhay ko kundi ang mag lingkod sa inyo .,bakit po panginoon iligtas nyo po ako .." -- taimtim at pabulong na dasal ni mr.orevalo habang hawak ang kwintas sa leeg nya ..

"Nako !! mukang wala sya dito siri ,. tara labas na lang tayo ..--

Ang mga salitang iyon ang nagpawala nang kaba ni mr.orevalo , dinig nya ang papalayong tunog nang sapatos nito ., pero nagtataka sya dahil isang tao lang ang alam nyang kasama nya pero bakit may tinatawag at kinakausap ito sa pangalang siri ..

"Dyusko salamat po at dininig nyo ang kahilingan --

Nang mga oras na iyon ang pasasalamat na dasal ay nauwi sa pagbalik nang kaba at takot nang matanda , dahil sa biglang may lumitaw na tao sa harap nang pinagtataguan nya .

"Hi anjan ba si sir. orevalo ? Oh sir  , anjan ka pala ." -- nakaka lokong saad nito sa kanya

"Paki usap ,. wala akong ginagawang masama wag mo ako'ng papatayin !! " -- pag mamakaawa nya sa kaharap nya habang hawak ang iphone nito na halos kapareha nang itsura nang iphone na kinumpiska nya sa kanyang estudyante ..
Napaisip tuloy sya pero bago yun ,Kailangan nyang humanap nang paraan para maka wala sa kamay nang taong yun  .

--

Sa loob naman nang kwarto'ng iyon kasama ang matandang orevalo , basang basa na nang tao'ng iyon kung ano ang binabalak nang matanda ,. kaya naman bago pa sya maunahan ay ginawa nya na ang nararapat gawin dito .

Isang baril na may silencer ang naka tago sa kanyang likuran , agad nya itong ipinutok sa hita nang matanda nang makita nya ito'ng patakbo sa lugar kung saan may mga naka patong na mga matatalim na bagay ..

Napahinto naman ang matanda at napasigaw ..

Aaaahhh !! -- pag daing nito dahil sa sakit nang tama nang baril na bumaon sa hita nya .

"Tigil !! -- sigaw nang taong iyon

Pero hindi pa din sya nag patinag at kahit nasasaktan ay tumayo pa din sya ,.pero pinaputukan ulit sya nito na ikina bagsak nya ..

Tigil sabii !  -- galit na sigaw nito sa kanya ..

"Tingin mo hindi ko alam ang plano mo? Mag isip ka tanda ! -- wika nito , nanahimik na lang muna sya at napatayo nang diretso

"Kung ako sayo , tatahimik ako at hindi na magpaplano nang kung ano ,. kasi imbis na humaba pa buhay mo , baka mapa bilis lang ..-- sabi pa nito sa kanya

"Bakit nyo pa , patatagalin kung papatayin nyo din naman ako ! Patayin nyo na lang ako .."-- galit na sambit nya

"Hindi mo pa oras ., Kung ako lang matagal na kitang pinatay ,  Ayaw lang ni siri na patayin kita ,. maswerte ka !" -- sambit nito

"Sino ba yang siri na yan ! Sino ba kayo ? wala akong kasalanan sa inyo .." -- wika nya

"Hindi muna kailangan malaman ,. pero kung gusto mo malaman sige ipapa alala ko sayo .."

Sa sinabi nang kaharap ay nagulat sya dahil ang muka nitong may maskara ay unti unting nawala .,

"Iiikkkaaww !! -- 

Gulat na gulat naman ang matanda sa muka nyang nasilayan ,. samantalang ang kanyang kaharap naman ay naka ngisi lang .. Nag aantay nang hudyat at oras para tapusin ang matandang orevalo ..



--

Sa eskwahan naman halos magimbal ang mga estudyante sa nasaksihan ..

Mula sa classroom nang dalagang si kelly .

Isang naka bigting tao na may plastic wrap na naka balot sa buong ulo at muka nito ang naka lambitin sa ceiling nang kanilang klassroom .

At mula sa blackboard may naka sulat na mga salita ..

Ang salitang pamilyar sa dalagang si kelly .

" Ang inyong kamatayan ay unti unti nyo nang makakamtan ."

-- S


" Ang inyong kamatayan ay unti unti nyo nang makakamtan ."

-- I

"Ang inyong kamatayan ay unti unti nyo nang makakamtan ."

-- R

Ang inyong kamatayan ay unti unti nyo nang makakamtan ."

-- I

---

Simulan na ang madugong chapter ..
voments naman po 😂😂😂

enge reaction ..













SIRI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon