Chapter 3

27 2 0
                                    

TYRON’S POV

 

Nandito ako ngayon sa school kung saan nag-aaral si Brianna. Simula ngayon, dito na rin ako mag-aral. Pagkatapos nung nangyari sa Coffee Shop, naisip ko na kung mag-aaral ako sa school ni Brianna, mas makikita at mababantayan ko siya. Magagawa ko rin ung plano ko para bumalik siya sa akin. Tinawagan ko agad ung assistant ni Mommy para asikasuhin lahat ng papeles para sa pagtatransfer ko. Okay na sana ang lahat, pero may isang problema. Puno na daw ung section nina Brianna kaya hindi na daw ako pwede dun. So nagrequest ako na kung pwede dun na lang ako sa section na malapit kay Brianna. Pumayag naman ung school administrator since he was close to my mom and he knew me very well.

First day ko pa lang dito pero pinagtitinginan na ako ng mga tao. Grabe! Ganun ba talaga ako ka-gwapo? May iba pa nga na nagsisigawan sa tuwing makikita ako. Tss mga babae talaga.

Kasama ko pala ngayon si Prof. Buenavista. Siya kasi ung napili ng school administrator na magtour sa akin dito sa school. Siya rin ung professor ko in my first subject.

Maayos naman itsura ni Ma’am. Mukha lang siyang terror. Nung siya ung napiling magtour sa akin, nainis pa siya nung una kasi pagod na pagod na daw siya sa pagtuturo tapos siya pa ung magtotour sa akin.Pero nung nakita niya ako, aba! biglang nag-iba ung aura niya. Bigla ba namang nagsmile at nagpacute. Iiihhhhhh nakakakilabot!

Pagkatapos ng tour namin, dumiretso na kami sa classroom. Nauna ng pumasok si Ma’am Buenavista. Nagstay muna ako ng konti sa labas, nagbabaka-sakaling makita si Brianna, not until tinawag na ako ni Ma’am para magpakilala sa mga bago kong kaklase.

So ayun, pumasok ako ng classroom at nagpakilala na agad.

“Hi everyone! I’m Tyron ---“ hindi ko na natapos ung sasabihin ko ng bigla kong nakita ung napakapamilyar na mukhang iyon. Ang mukha ng babaeng nagbuhos sa akin ng kape at nagpahiya sa akin sa Coffee Shop.

VALERIE’S POV

 

“Hi everyone! I’m Tyron---“ Shet ano ng gagawin ko ngayon? Nakita na niya ako! Pero infairness, ang gwapo talaga niya! Hanubeyen! Kinikilig ang lola niyo! Pero may mali eh, halatang hindi siya masaya na makita ako. So ang ginawa ko, nagsmile na lang ako sa kanya habang unti-unti akong yumuyuko. Shet! Nakakahiya! Teka, bakit pala siya nandito? Ayy oo nga pala, siya pala ung bago naming classmate. Classmate? Shet magkaklase kami?! Anak ng tukneneng naman oh! Oo crush ko siya pero iiiihhhhhhh! Nakakahiya talaga ung ginawa ko.

“Hoy ikaw!” Nagulat ako ng biglang may humampas ng table ko. Nagbulung-bulungan pa ung mga kaklase ko, kesyo siya daw ung lalaki sa video blah blah blah. Ayy shet! ung video nga pala! Patay na talaga ako nito!

“Bakit ba?!” Sigaw ko sabay angat ng ulo ko. Ay shet! Ang gwapo talaga niya! Ano ba ‘to! Oh tukso, layuan mo ako!

“Ayyy ikaw pala yan. Hehe nice to see you again.” Pagkasabing-pagkasabi ko nun, humarurot ako ng takbo palabas ng classroom.

“Ms. Montemayor! Mr. Montenegro! You can’t just leave asdfghjkl” Sigaw ni Prof. Girl on Fire na hindi ko na masyadong naintindihan kasi medyo malayo na ako sa classroom. Mamaya na ako mag-eexplain sa’yo Ma’am.

Coffee MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon