Chapter 6.0: Weirdo

128 8 0
                                    

Natapos na lahat, maliban sa isa at pinapanood pa namin sila.

Ry and the boy. Yung nakakuha ng pansin ko kanina, magaling sila pareho, apoy ang magic niya.

"We need to help" sabi ni Felice habang may hawak na footlong, bumili muna kami saglit kasi gutom na si Drex.

"Pwede ba?" Sabi ni Azi doon sa staff ng school.

"Pwede naman, pero isa lang" sabi nila.

"Pumili kayo, Azi o Andy?" Sabi ni Drex.

"Bakit kaming dalawa?" Sabi ko.

"Oo nga" sabi ni Azi.

"Si Andy na" sabi ni Avilyn na sinang-ayunan ng lahat, fine.

Agad akong nagteleport at yumuko agad, hindi ko inexpect na mararamdaman niya ang presensya ko.

Umatake agad si Ry kay Hell (nakita ko sa nametag nya) gamit ang mga puno na nakasabit sa maze pero nasunog lang ito ni Hell gamit ang fire sword niya at inatake niya ako, hindi man lang ako binigyan ng time gumawa din ng sword.

Ilag lang ako ng ilag hanggang sa makatyempo ako at sinuntok ko siya sa tyan na may boltahe kaya agad siyang napaluhod saka ko siya tinuhod kaya tumba na siya saka nagteleport kaming tatlo palabas.

Nalaman ko na kaunti lang ang nanalo laban sa amin, mga pito? Pero kahit talo ay may chance pa rin silang makapasok sa Orangestone Academy depende kung paano at strategy nila sa pakikipaglaban.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Ry ng muntik na siyang bumagsak.

"Kakaiba lakas nya, buti napabagsak mo" sabi ni Ry saka tumayo ng ayos.

Nag announce na sina Azi at Felice sa stage ng criteria, comments, etc. sa stage kaya bumalik muna kami ni Ry sa dorm para magpalit.

"Sa tingin ko, hindi na kailangan nung Hell na mag step by step sa ranks, pwede na siya i R rank agad" sabi ni Ry, kung sabagay.

"Malakas siya, hindi ako magtataka kapag isa siya sa naging pride ng school" dugtong niya pa. Nakakasali ang mga piling student kung saan mas mataas pa sa R-1 rank, sa kanila din pinapagawa ang 'mission impossible' na nagiging possible sa kanila.

Sad to say. hindi pa sapat kapangyarihan ko para makapasok doon.

Sarcasm alert.

Totoo kaya!

Sus! Pa hambog i mean pahumble

Tss.

Okay fine, pasok naman ako. pero ayoko lang kasi syempre mahihiwalay ako sa mga kaibigan ko pati puro mission. Nakakatamad.

"Sige na, inaantok pa ako" sabi ko saka bumalik sa pagkakatulog ko. masarap kaya matulog.

Paggising ko ay gabi na pala at ako lang mag-isa sa room, nag-iwan lang si Ry ng note at pagkain dahil may aasikasuhin daw siya.

Kinabukasan ay normal na araw na naman. may klase malamang kaya nagmamadali na naman kami ni Ry kasi late na kami!

"Good morning Miss, sorry we're late" sabi ko saka umupo.

Nagdidiscus pala sila tungkol sa elemental, at base sa nalaman ko kay Eve at Luciel isa akong element of lightning habang si Azi ay Light.

"Nakakalungkot isipin na ang lumikha ng mundo natin ay nagkakagulo, sumanib si Fire, Water,Dark  at Land sa madilim na panig habang si Air ay nasa panig natin habang ang dalawang elemental ay nawawala dahil namatay sila sa huling laban at muling mabubuhay" sabi ng teacher namin.

Nagkatinginan kami ni Azi, marahil alam na niya.

"By the way may bago kayong kaklase, si Persey" sabi ng prof saka pumasok ang isang babae.

'Woah chix'

'grabe grabe'

napailing na lang ako sa nababasa ko sa mga isip nila.

"Hi! I'm Persey"

"so what's your power?" sabi ni Felice saka sumandal sa upuan niya.

"About mind" sabi niya.

"Mind?" sabi ko. Isa kasi ito sa mga legend power na nawala dahil kaya niyang talunin ang kahit na sino, kahit mga elemental.

"Sample please!" sabi ni Ry na naka amen pause pa na nakapout at beautiful eyes.

Disgusting.

"You look cute, kaya pagbibigyan kita" sabi niya saka tumingin sa akin pero makalipas ang ilang minuto bigla siyang umiling.

"Hindi ko mapasok ang isip niya" sabi niya at tumingin kay Drex naman saka umiling mule.

"What's wrong with you guys? Hindi ko mabasa isip niyo!" sabi niya.

"Kasi naman, Ayun si Drex ang magic niya ay nullify" sabi ng prof namin.

"Then?" sabi niya, napahiss naman si Felice, natatarayan ata sa kanya.

"Natitirang lightning magic" sabi niya.

"Interesting" sabi niya sa isip.

"What?! May nakabasa ng isip ko!" hysterical niyang sabi. Ops, my fault.

"Ang OA naman. Can you just leave kung ganyan ka kaarte?" sabi ni Felice, napuno na ata.

Kapag beastmode pa naman si Felice nawawala ang pagiging slow niya.

"I'm not! Sinasabi ko lang nararamdaman ko!" sabi naman ni Persey na close fist na, marahil sa inis.

"Oh tapos? Interested kami sa thoughts mo?" Sabi ni Felice saka tumayo, Drex kailangan mo na umawat.

"I don't care to your opinion! I can share it kahit kelan ko gusto! Stupid" sabi ni Persey.

"Then sabihin mo 'yan sa sarili mo! Parang may pake kami sa isip mo" sabi ni Felice.

Okay.

"Grabe grabe" sabi ni Ry habang kumakain kami sa canteen, and for the nth time. Muling umirap si Felice.

"Azi oh! Away ako!" sumbong ni Felice kay Azi.

Magsasalita pa sana ako ng may narinig kaming pagsabog na dahilan ng paglindol.

Agad akong bumangon at tinulungan ang iba na bumangon habang lumilindol na parang may nagsasalpukan na force.

May naglalaban.

Agad kaming lumabas at may nakita akong isang lalake na nababalutan ng dark aura habang ang isa ay parang may ipo ipong nakapalibot sa kanya.

Hindi ako bobo para hindi sila makilala.

"Elementals"

At si Air at Dark ang naglalaban, pero nagkamali ako dahil biglang nagteleport si Water saka kinulong sa bubbles si Air.

"Ano na?" bulong ni Azi sa akin.

Hindi ko muna siya pinansin at nanood.

Hinaluan ni Dark ng dark power at bubble na alam kong nahihirapan na si Air, agad akong tumango kay Azi at bigla kaming lumiwanag.

Ramdam ko ang pag-agos ng kapangyarihan ko. At simula ng araw na'to. Isa na ako sa parte ng buhay ko bilang si Lightning at isang parte pa na si Azi bilang Light, habang ang mortal na parte namin ay dadating sa tamang oras.

Pagkatapos namin magliwanag napansin ko ang pagpalit ng damit namin ni Azi, kaming pito ay magkaparehong damit pero magkakaiba ng kulay.

Nagteleport na din si Fire at Land na galing kung saan.

"Elementals is now complete" sabi ko saka nawala at pinasabugan sila ng nakakamatay na kuryente.

Orange Stone Academy:The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon