Azi's POV
"Argh! Ano ba yan istorbo!" Sigaw ko saka upo sa kama.
"Tss" napatingin ako sa nagsalita.
"Ahh ikaw pala God Jahad ahm anong ipaglilingkod ko sayo?" Sabi ko, hindi ko alam na siya pala, aish.
"Kailangan mo ng bumalik sa academia-"
"Eh sa kakarating ko la-"
"Kaya nga eh, pero kailangan mo talagang makabal-"
"Ano ba iyan! Hindi matutuloy yung bal-"
"PWEDE BANG MANAHIMIK KA MUNA SAGLIT? NAGSASALITA PA AKO EH!" sigaw niya kaya napatango na lang ako.
"Ok, kailangan mong bumalik sa academy dahil sumugod ang mga darkania at siguradong maraming mapapahamak doon, kailangan ka nila"
"Ha? Panong kailangan ako eh wala pa akong kayang kontrolin na kapangyarihan"
"Don't worry, pagtapak mo sa academy ay lalabas ang mga kapangyarihan mo at magagamit mo ito ng maayos"
"Pano mo nasabi?" Taas kilay kong tanong with matching kunot noo pa.
"I'm God of Dreams and Nightmare, naisip ko ang bagay na iyon at ginawang totoo, kaya magmadali ka na"
Pinigtas niya yung necklace ko at may lumabas na portal, agad niya akong tinulak doon.
Napahawak pa ako sa noo ko dahil sa matinding hilo.
Pero nagulat ako sa nakita ko, nakahandusay lahat ng estudyante at nagdidiwang ang mga darkania, nakahiga naman sa lupa ang headmaster at headmistress.
"Healium" sabi ko dahilan upang gumaling at mabuhay lahat ng patay na estudyante.
"Ikaw!? Sino ka? Bakit kapareho mo ang kakayahan ko?" Sabi nung babae na nakita ko habang asa harap nya ang headmistress.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ako si Nilea"
Inisip ko na dapat kong malaman ang inpormasyon niya, halo-halong imahe ang nakita ko, ginamit ko ang kapangyarihan ni God Luciel para malaman ang kapangyarihan nila-teka Sino si God Luciel?
So kakambal siya ng headmistress at kaya niyang kontrolin ang apat na elemento at kaya niya ring bumuhay ng isang nilalang?
Nakita ko sa peripheral vision ko ang mga estudyante na gumilid.
Inaasahan ko ang mangyayari, tinapat niya sa akin ang dalawa niyang kamay at lumabas ang apoy, agad akong pumosisyon at nakipagsalpukan gamit ang kapangyarihang liwanag.Nagbanggaan ang kapangyarihan namin, pantay na pantay at walang balak magpatalo.
Mukha siyang nahihirapan eh wala man lang akong kapawis pawis, tinap ko ang lupa ng mahina gamit ang aking paa at biglang lumindol na nagpatalsik sa hukbo niya.
Kinumpas niya ang kamay niya at nawala ang sugat ng mga kasamahan niya at nabuhay ang mga namatay, malakas din pala ang isang ito.
"Hindi ko na ito papatagalin" sabi ko at binitawan ang kapangyarihan kong liwanag, umayos ako ng tayo at tinginan ang apoy na pabulusok na sa akin.
Tinitigan ko ito at biglang nawala,nagpalabas ako ng nakakasilaw na liwanag at tinapat sa kanila hanggang sa maubos na sila.
Napatingin ako sa paligid, sirang gusali, parang inabandunang gusali na ang paaralan.
"Lènas Đestructión ed Čreatión" sabi ko at kusang gumalaw ang lupa at naayos muli ang paaralan.
Nakita ko ang tuwa sa mga estudyante, doon lang ako bumalik sa ulirat.
BINABASA MO ANG
Orange Stone Academy:The Lost Prince
FantasyHe's an ordinary mortal who loves to sing.. He is lonely yet he's still happy He does'nt look like miserable But one day He woke up with..RESPONSIBILITIES The one who can make the whole world in peace. Can he do it? Or NOT? Written by: blueseperin