Andy's POV
"Nice, magaling magtrain ang mga Diyos huh?" Napatingin ako sa isang parte ng kagubatan ng may magsalita doon, buti na lang at natalo ko sila pero randam ko na yung pagod, gusto ko ng matulog.
"Alam mo kung anong kailangan ko, Eve" diretsyong sabi ko saka nilinawagan ang parte kung asan siya.
"Follow me" sabi niya at nagumpisang maglakad, bumuntong hininga muna ako para bawiin yung hingal ko saka sumunod sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad, pinakikiramdaman ang kilos niya. Siyempre, mahirap na no!
Makalips ang ilang oras ay tumambad sa amin ang isang palasyo, maganda siya, parang palasiyo ni Luciel, kaso color violet tsaka madilim.
Pagkapasok namin sabay-sabay na nagsiyukuan at lumuhod 'yung mga kawal niya.
Pagkaupo niya sa isang upuan, na sa tingin ko ay kanyang trono, napansin ko na may suot pala siyang korona na may makintab na diyamante sa gitna at magagandang palamuti.
"Totoo ang sinabi ni Ezkael, may tatlong katauhan ka, nagkaroon ka ng tatlong katauhan dahil sa magulang mo" sabi niya saka kinumpas ang daliri niya at may lumabas na imahe ng magulang ko.
"Makinig ka" sabi niya.
"Nicho! Anong ginawa mo?"
"Makinig ka Flavia! Kailangan ko 'to gawin para magkaroon pa ng nilalang na may elemento ng liwanag na kakayahan! Pati ito ang tadhana niya, mahahati sa dalawa ang katauhan niya at ang isa ay may hawak na Liwanag na elemento habang ang isa ay magiging mortal, lalabas ang dalawa oras na makapunta siya sa mundo ko!" Pagppaliwanag ni Papa kay Mama, totoo ba ito?
Bigla nalang nawala yung eksena kaya napatingin ako kay Eve.
"Tatlo ang katauhan mo, triplets tawag ng mga mortal" tumawa pa siya saglit bago bumaling sa akin ang paningin niya.
"Si Azi ang isang parte mo na may hawak na liwanag na elemento, si Andy ang isa pang parte na may hawak na kidlat na elemento" sabi niya.
"P-paano?"
"Yung isa naman, ayun yung mortal na pinili ng lapastang mga Diyos na papatay sa akin, pero hindi pa 'yun nabubuhay sa katauhan mo kaya kahit patayin kita ngayon, kusa kang maisisilang muli at makalipas ang ilang sandali lalaki ka sa piling ng mga Diyos at ayun ang oras ng paglalaban natin" mahabang paliwanag niya.
"Huwag ka ngang tumitig!" Galit niyang sigaw sa akin.
"Pamilyar ka" sabi ko, parang nakita ko na siya eh, hindi ko lang alam kung saan.
"Sinasabi mo?" Kunot noo niyang sabi.
"Wala" sabi ko, kahit ang totoo pamilyar talaga yung mukha niya pati pagkilos niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng nasa likod ko, pero sa boses niya kilalang-kilala ko siya.
"Rebran" sabi ko saka siya hinarap, nagulat ako sa istura niya. Punit-punit na damit, mga sugat.
"Anong nangyari sayo?" Sabi ko saka nilapitan siya.
"Bakit ka pumunta dito?" Tanong niya at hindi pinansin yung tanong ko.
"Kawawang Rebran, maganda ba ang pagsalubong namin sa iyo dito sa palasyo ko?" Sabi ni Eve at tumayo sa kinauupuan niya.
"Huwag kang mag-alala, nag enjoy naman ako sa mumunti mong pakulo, para ngang kiniliti lang ako eh, 'yun na ba 'yun?" Pang-aasar pa ni Rebran, pansin kong nawawala na yung sugat niya pti umaayos na yung postura niya.
Hinawakan ko na siya at nagteleport papunta sa palasyo niya bago pa kami tamaan ng kapangyarihan ni Eve.
"Anong ginawa mo doon?" Tanong niya sa akin.
"Nagtanong sa mga bagay-bagay" sabi ko.
"Naniwala ka naman" sabi niya sa akin, sumalubong ang kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko.
"Damn! Kalaban mo 'yun! Malamang sisirain niya tiwala mo!" Sabi niya sa akin.
"Nagsasabi siya ng totoo"
"Ano?!"
"Nagsasabi siya ng totoo" sabi ni Luciel na sumulpot bigla sa tabi ko.
"Pero hindi niyo sinabi sa akin?" Inis kong tanong, kailangan ko pa talaga malaman sa kalaban talaga? Hindi ba pwede na sa kanila manggaling?
"Kasi hindi ka nagtanong" kibit-balikat na sabi ni Luciel.
"Sa tingin mo matatanong ko 'yan? Malay ko ba" depensa ko.
"Too much information, bumalik ka na sa Academy" sabi ni Luciel saka tinapik ako sa balikat at nagteleport ako sa labas ng room.
"Oh? Pumasok ka na hijo" napatingin ako sa lecturer.
"Yes Ma'am" sabi ko saka bumalik sa upuan ko.
"Tagal mo naman mag cr?" Sabi ni Ry.
"Oo nga" gatong ni Avilyn.
Kagagawan na naman siguro 'to ni Viole.
****
Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang tatlo kong katauhan, wala naman nangyari. Maliban ngayon.
"Kain na tayo!" Sabi ni Drex, andito kami sa dorm niya.
"Mamaya pa, inaayos ko pa 'tong mageentrance exam sa school natin" sabi ni Avilyn na nagsusulat sa papel.
Ngayong araw ang entrance exam ng mga outstanding students sa iba't-ibang paaralan na gustong mag-aral dito.
"Okay na traditional exam" sabi ni Azi.
"With a twist" sabi ni Felice na mukhang excited.
"Done! Bigay ko na 'to sa Headmaster" sabi ni Avilyn saka lumabas, syempre sumunod kami.
"Okay, thank you" sabi ni Headmaster pagkatapos iabot ni Avilyn ang mga names ng estudyante sa stage.
"Students, are you ready?" Sabi ng Headmistress at naghiyawan na naman ang mga transferees. Kung makakapasa sila.
Pagkatapos ng ilang minuto ay may nabuong illusion maze, nagteleport naman kami sa malaking screen sa administrator office kung saan makikita ang scores (magkakaroon ng score kapag may napatay na monsters, nakuhang valuable things, naayos na sirang kagamitan o parte ng illusion mazd) at malapit sa finish line.
Maraming nagooutstanding pero may nakakuha ng atensyon ko.
Hindi ko masabi, nakuha niya na eh.
(Korni)
Joke lang 'yun. Napansin ko lang sya kasi magaling siya, baka kaya niya na tapatan ang S rank. Pero sorry siya dahil dadaan pa siya sa C rank, pero baka maaccelerate siya. Isa pa bakit ganto agad iniisip ko? Muntanga lang.
"Go!" Sabi ng isang admin kaya nagsiteleport ang mga piling estudyante na magpapangap na monster at kakalabanin ang mga students na minarkahan na outstanding.
"Sir!"
"Yes?" Sabi nung Nag Go sign na busy sa kakalikot ng screen.
"Kulang tayo ng isa!" Sabi nung babae.
"May hindi umattend" tukoy nila doon sa nagpapanggap na monster.
Nagtaas naman ng kamay si Ry.
"Can handle it" sabi niya.
"You sure?" Sabi niya. Nag thumbs up naman si Ry at nagteleport na sa illusion maze.
Kayanin kaya ni Ry? I mean nung mga estduyante pala.
"Kakain pa ba tayo o hindi?" Kalabit sa akin ni Drex.
BINABASA MO ANG
Orange Stone Academy:The Lost Prince
FantasyHe's an ordinary mortal who loves to sing.. He is lonely yet he's still happy He does'nt look like miserable But one day He woke up with..RESPONSIBILITIES The one who can make the whole world in peace. Can he do it? Or NOT? Written by: blueseperin