Chapter 2: You'll Never Know

23 5 0
                                    

Chapter 2: You'll Never Know

HYACINTH decided na bumalik na lang sa maliit na bayan kung saan siya lumaki. Nakapila siya para bumili ng ticket pabalik. Mabuti at may konti siya naipon na pera. If her Uncle Zed doesn't want her so be it. Kaya naman niya mabuhay mag-isa. Hindi siya baldado para umasa sa iba. She can work for herself while going to school.

Pagkatapos ng incident kanina ay agad niya tinalikuran ang lalake at bumalik sa loob ng train station. Hindi naman siya nito pinigilan pero ramdam niya ang titig nito. Gusto niya ipakulong ang lalake pero alam niya wala itong silbi. Halatang mayaman sa itsura pa lang. At alam niya wala siya laban dito.

Like hello! It's a freakin' vampire for Pete's sake! Pwede siya patayin nito sa isang iglap lang.

Napangiwi si Hyacinth nang maalala ang pangalan ng lalake. Blood Alejandro. What kind of name was that? Bumuntong hininga siya bago tumingin sa harap niya. Siya na ang susunod na bibili ng ticket. She was about to take a step nang may tumawag sa buo niyang pangalan.

"Hyacinth Hermosa Arkanghel."

Nakakunot ang noo niya nang bumaling siya sa lalake na hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. May magulo ito na buhok na para ba kakagising lang niya, he's wearing a white t-shirt, maong pants and a boots. But what really confuse her is that, the guy looks exactly like her Uncle Zed.

Napakurap siya nang bigla na lang nito hilahin ang maleta niya at naglakad palabas ng train station. Hindi agad siya nakaimik at hinabol ang lalake.

It can't be. Walang nabanggit ang Uncle o maging Grandma niya tungkol sa lalake. At ang alam niya ay walang asawa ang Uncle niya. Pero bakit nito kamukha ang Uncle Zed niya? She thought she's the only grandchild.

Hyacinth was filled with many questions kaya wala siya imik habang sinusundan ang lalake papunta sa nakaparadang mamahaling sasakyan. If she's not mistaken, Jaguar ang pangalan ng sasakyan nito.

She just watch him open the back door at inilagay doon ang maleta niya. Bumaling ang tingin nito sa kanya. Even the eyes looks exactly like her Uncle Zed.

"Sorry, I'm 45 minutes late. I know you're wondering who am I. Ang matandang yon, hindi man lang niya ako binanggit sayo."

Napaawang ang labi niya. Is he talking about Uncle Zed? Bahagya kumimbot ang labi nito at inilahad ang kamay nito sa kanya.

"I'm Xakary Arkanghel. Hey, little cousin."

HUMINTO ang sinsakyan nila Hyacinth at nagpakilala pinsan na si Xakary sa dalawang palapag na bahay. Moderno ang desenyo ng bahay at bumagay naman ang kulay berde na pintura nito. It looks refreshing and the ambiance are welcoming.

Pagkababa pa lang niya sa sasakyan ay siya naman pagbukas ng main door ng bahay at lumabas doon ang nakakunot ang noo na si Uncle Zed. He look pissed but when he saw her ay agad din ito kumalma. Nakasuot din ng formal outfit ang Uncle Zed niya at halata na galing pa sa trabaho.

Sabay sila Hyacinth at Zakary na lumapit sa may edad na lalake pero halata pa rin ang kakisigan nito. Mahigpit ang hawak niya sa magkabilang strap ng bag. Ramdam niya na nagpipigil lang ng galit ang Uncle Zed niya habang nakatingin sa anak.

"I told you to fetch her in the right time, Zakary." Matigas na ani nito sa anak. But Zakary just shrug his broad shoulders at nilampasan ang Ama habang hila ang maleta niya.

Nagtagis ang bagang nito habang nakayukom ang magkabilang kamao. Halatang hindi magkasundo ang mag-ama. Nang bumaling ang tingin ng Uncle Zed niya sa kanya ay may sumilay na munting ngiti sa mapupulang labi nito.

Iginaya siya nito papasok ng bahay at agad namangha si Hyacinth sa loob ng bahay. Akala niya magulo ang loob na madadatnan niya dahil puro lalake ang nakatira but she was wrong.

Maayos ang mga gamit at alam niya na antique ang mga vase na naroroon pati mga landscape paintings. Napangiti siya nang maalala ang kwento ng Grandma niya, her Uncle Zed loves to paint at mahilig din daw ito sa mga antique na bagay.

"This will be your new home, Hermosa."

Natigilan siya sa tawag ng Uncle niya sa kanya. Only him and her Grandma call her Hermosa. At Hyacinth naman ang tawag sa kanya sa halos lahat na kakilala.

Matipid siya ngumiti at tumango dito nang sabihin nito na maghahanda ito ng pagkain para makakain na sila ng tanghalian.

Nang pumasok ang Uncle niya sa kusina ay siya naman pagbaba ng pinsan niya mula sa second floor. Nagpalit din ito ng damit pambahay at doon lang niya napansin na matipuno ang katawan ng pinsan niya kumpara sa kaedad nito.

"Come, little cousin. I'll show you to your new room."

Wala siya magawa ng kunin nito mula sa kanya ang suot na bag pack at nauna ng pumanhik. Sumunod siya dito at napansin agad niya na tatlo lang ang kwarto sa second floor. Dalawa ang pinto sa kanan at isa naman sa kaliwa.

To her surprise, Zakary open the right door at agad bumulaga sa kanya ang malaking kwarto na halos lahat ay kulay pink. Malaki ang queen size bed nito na nasa gitna, may study table at medium size bookshelf. Nang pumasok siya, may tatlo siya nakita na pinto. One door for the bathroom, one door for her walk in closet, and a door through the balcony.

Hindi mapigilan ni Hyacinth na ngumiti habang pinagmamasdan ang magiging kwarto. Her she thought kanina na ayaw sa kanya ng Uncle Zed niya pero mali pala siya.

"Hindi man halata pero ang matandang yon. Pinaghandaan niya talaga ang pagdating mo."

Napatingin siya sa pinsan nang magsalita ito. Nakatingin ito sa kanya habang nakasandal sa pader. Nahihiya siya tumingin dito at tumango.

"S-salamat."

A genuine smile plastered on his handsome face, "Nah, at least di na boring ang bahay kasi andyan ka na."

Pagkatapos nila mag-usap. Iniwan ni Zakary si Hyacinth sa sarili nito kwarto para makapagpahinga. Agad siya dumapa sa malaking kama nang masara ang pinto. Excited niya binuksan ang lahat ng pinto sa CR at walk in closet. Napangiti siya, may sarili naman siya kwarto sa bahay ng Grandma niya pero hindi ganon kalaki. Huli niya binuksan ang pinto patungo sa balcony.

Agad sumalubong kay Hyacinth ang magandang tanawin ng Mysterio City. Kita niya ang nagtataasang gusali at iba pa mga establishment. Lumawak ang ngiti niya ng matanaw ang kulay bughaw na karagatan.

She likes sea when she was still young pero mabibilang lang niya sa daliri kung ilang beses siya nakakakita ng dagat. Sa maliit na bayan kung saan siya lumaki ay walang dagat, ilog at sapa lang at nagtataasang puno.

This will be her new home. At sana maging matiwasay ang pananatili niya sa Mysterio City kahit na napansin niya na may kakaiba sa lungsod na ito.

Ever since she was young, she knew na ang inaakala ng ibang tao na kathang-isip lang na mga nilalang ay totoo nag-e-exist. Mas nauna pa sila sa mga tao dito sa mundo at mas matagal na naninirahan.

You'll never know na baka isa sila sa mga iniidolo mo o di kaya ay isa sa mga kilalang tao sa larangan ng business, politics, sports or showbiz.

You'll never know na baka kapitbahay mo ang isa sa kanila o di kaya nakakasabay sa daan.

You'll never know.

TBC
***

Written by: Iuryckazaiah

Devil May CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon