Chapter 2

13 0 0
                                    

Nagulat siya at napatalikod sa nakita.

Tumatakbo ang babaeng nakaputi patungo sa kanya. Nakataas ang dalawang kamay nito, ang mga daliri ay animong sa mabangis na leon na nakahandang manunggab at mangalmot. Ngunit ang nakapag-paatras at nakapagpatakbo kay Hannah ay ang dalawang mata ng babaeng nakaputi. Dilat na dilat ang mga ito, tila ba galit na galit. Namumula pa ang mga ito at kahit may kalayuan ay kita niya ang mga ugat sa mata nito na para bang tumitibok-tibok pa.

"Halika rito!" tawag ng babaeng nakaputi. "Sabi ng halika rito!"

Walang nagawa si Hannah kundi ang kumaripas ng takbo hangang sa marating ang kanyang bahay. Ni hindi na niya nagawa pang lumingon kung nasusundan pa rin siya ng babae. Basta't ng makapasok sa bahay at agad niyang isinara at ini-lock ang kahoy na pintuan

Ang Babaeng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon