Chapter 3

9 0 0
                                    

"Diyos ko po! Ano ba yun?" humihingal sa sabi niya. "Baliw ba yun? Bakit ba hinahayaang gumala-gala ang mga ganon? Baka makasakit lang ang mga yun!"

Walang sumagot sa kanya kundi katahimikan.

###

Sunud-sunod na kahol ng mga aso ang gumising kay Hannah. Matapos mag-inat-inat ay dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kanyang kama. Madilim pa sa labas at tahimik ang buong paligid maliban sa kahol ng mga asong kalye sa labas. Tiningnan niya ang maliit na orasang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama.

Alas tres pa lang, naisip niya.

Dahil bahagyang nawala ang antok at nakaramdam na rin ng pagkauhaw, tumayo si Hannah at isinuot ang kanyang malambot at mabalahibong tsinelas. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang isang kulay abong refrigerator at kumuha ng isang boteng tubig.

Ang Babaeng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon