June 6, 2018
Monday
First day of schoolMy name is Keyzandra Jacez Laizer (KEY-ZAN-DRA JEY-SEZ LAY-ZER) Key for short. Grade 11 na'ko, stem. bata pa lang ako inabandona na'ko nang aking mga magulang at dati akong taga orphanage nang makidnap ako. Pero mas umayos yung buhay ko nuong nakidnap ako, dahil yung nagalaga sa'kin dati ay hindi naman din talaga ako inalagaan ng maayos. Kaya ngayon nagttrabaho ako para sa kanila, mayayaman silang tao, sinuswelduhan nila ako at sila din ang nagpapaaral sa'kin at napag tapos na nila ako ng junior highschool. Malaki ang pinapasweldo nila sakin, tipong sweldo na kahit maging dentista ako ay hindi nito malalampasan ang ipinapasweldo nila sa'kin. Pero may pangarap pa din akong gustong kamtin kaya nagaaral ako.
Anong pinapagawa nila sa'kin kaya nila ko pinapasweldohan ng malaki? Malalaman nyo din.
-
Ano pa nga bang gagawin sa first day of classes kung hindi mag introduce yourself? Wala din naman akong makausap dahil walang kumakausap sa'kin at transferee ako dito, at ako yung tipong tao na kung di mo'ko kakausapin ay di rin kita kakausapin.
-
Walang kwentang araw.
Naglalakad ako ngayon papunta sa mansyon ng mga amo ko. Binigyan nila ko ng dalawang kotse, Mercedes Benz C197 pati Mitsubishi Adventure pero hindi ko masyadong feel ang pagmamaneho kaya mas gusto kong naglalakad.
—
*witwiw*
"Hi miss, wala ka bang kasama?"
"Gusto mong sumama sa amin?"
"Padila naman, kahit isa lang"
"Tara na te, chill chill lang."Napangiti ako. Alas otso na nang gabi kaya hindi na'ko nagtakang madaming catcallers sa paligid. Pero ayos to, nauuhaw ako, pero hindi nila yon kailangan malaman.
Lumapit ang isa sa'kin at hinawakan ang braso ko. Nagkunwari akong mahina.
"K-kuya wag"
"Tara na sumama ka na samin, masaya tong gagawin natin"
"Ayoko!"Ang hindi nila alam, sila ang mapapahamak.
-
Alas-onse na nang makauwi ako, hindi masarap ang kanila, Pang-kalye.
———
Cringe.
BINABASA MO ANG
Bloody ID
HorrorAng Mugiwara Highschool ay matatawag mong common na paaralan. May mga estudyante, mga guro, staffs at kung ano ano pa. Pero lahat nang iyon ay nagbago simula nang makuha nila ang kanilang ID picture. Madaming kababalaghan ang nangyari, mga buhay at...