Chapter 3: Mission Failed?

5 1 0
                                    


Ilang araw ang lumipas nang mangyari ang nangyari kila Key at Dweins. Hindi na nagparamdam si Key sa dalawang Dwein na ikinatuwa naman nang dalawa sa pagaakalang natakot ang dalaga sa kanila.

July 19, 2018

Ngayon nila nakuha ang sari sarili nilang ID picture na kinuha sa kanila isang buwan nang nakakalipas.

Malapit na.
Malapit na magsimula ang madugong labanan.

-

Key's POV

"Nandito sa papel na ito nakalahad ang buong detalye nang missiyon mo, dito nakalagay ang mga gagawin mo, dito nakalagay kung sino ang makakasama mo, at dito din nakalagay ang pagkakasunod-sunod, gusto kong gawin mo'to ng maayos at malinis. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, ma'am." Yan lang ang naisagot ko.

Kinuha ko na ang papel ko at saka umuwi sa tinitirahan ko.

Binasa ko na ang binigay na dokumento ni Miss J.

Magiging masaya ito.

Third person's POV

July 21, 2018

Natagpuang patay si Keyzandra ng mga babae niyang kaklase sa girls comfort room.

~

Lifeia's POV

July 22, 2018

Isa ako sa mga iniimbistigahan ng mga pulis sa pagkamatay ni Keyzandra. Pero hindi ako ang pumatay sa kanya, mabuti siyang tao, yun ang nakikita ko sa kanya. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang pumatay, pero meron akong pinaghihinalaan. Ang mga Dweins.

- F L A S H B A C K -

July 21, 2018

Ngayon naman kami kukuhaan ng class picture kaya pinapunta kami sa cr para makapag ayos.

"Nakita nyo si Keyzandra? Siya lang yung wala nung nag head counting tayo kanina eh." Tanong ko sa kanila.
"Let her be. Hindi siya kawalan." Sagot ni Joanna.
"Oh come on Joanna, class picture to syempre dapat kumpleto tayo." Sagot ko naman.

Hindi na sya nakipagtalo.

Pagkabukas na pagkabukas nang pinto sa cr ay may sumalubong saaming amoy. Amoy patay na daga.

"Eww. What's with the shitty smell?"
"Ambaho syet"
"Takte anong meron sa loob"
"May namatay sigurong daga dito"
"Gaga may anti chuchu school natin, ni lamok nga di ka makakahanap dito."
"PASOK KAYA TAYO PARA MALAMAN NATEN DIBA!?"
"Oo nga naman"

Unang pumasok si Mikylla at sumunod naman kaming lahat

Nagulat kami nang napaupo sa sahig at napatakip nang bibig habang mulat na mulat ang mata.

Pinuntahan ko ka agad siya at tinignan ang tinitignan nya

Nanlaki ang mga mata
Nanginginig ako
Nanlulumo ang mga tuhod ko
Dahil sa nakita ko...

Si Keyzandra, nakahiga sa sahig, napapalibutan nang dugo.

Hindi ko kinaya at napatakbo ako sa labas.

Napaupo ako pagkalabas na pagkalabas ko nang cr.

"AAAAAAAAAAAAAH"
"OH MY-"
"AHHHHHH"

Nakita na nila.

Sabay sabay silang nagsitakbuhan papuntang room at nakitakbo na din ako.

Sinabi namin ito sa aming punong guro at saka bumalik sa cr pero pagkabalik namin ay wala na ang bangkay ni Keyz.

Nanduon pa din ang amoy
Nanduon pa din ang dugo.

- E N D O F F L A S H B A C K -

At ngayon, patuloy ang pagiimbestiga sa amin.

Bloody IDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon