Ep 2. Maghihintay ako

1 0 0
                                    

"Maghihintay ako mahal ko hanggang sa muli tayong magkita." Tandaan mo mahal na mahal kita."

Napahapo nalang ako sa mukha ng magising ako inikot ko ang mga mata ko andito parin ako sa hotel at 1am palang, napanaginipan ko nanaman ang babaeng yun nakatingin sya sa akin at umiiyak sya hindi ko parin makita ang mukha nya dahil malabo ito.

Bumangon ako para kumuha ng tubig na maiinom " anu bang nangyayari sakin?" Ang malinaw lang sakin ngayon ay hinihintay nya ako.

RING!!!RING!!!RING!!! tunog ng alarm clock sa cellphone ko. "Ay magandang umaga" pagbati ko sa sarili. Agad akong bumangon, naligo at nagbihis. sa labas nalang ako magaalmusal baka mahal ang mga pagkain dito sa hotel.

Pag dating ko sa labas ng hotel naglakad lakad ako hanggang sa matanaw ko ang isang kainan, sakto doon nalang ako magaalmusal.

"Manang isang tosilog po at one extra rice, magkano po?" Order ko sa matandang babae. " 65 pesos lahat hijo." Sagot nya.
Naupo na ako at handa ng lumamon sarap na sarap ako sa pagkain ng may tumapik sa balikat ko pag lingon ko si miss pam.

"Good morning po mam." Bati ko sa kanya sabay ngiti. "Bakit dito ka kumakain diba may pagkain sa hotel?" Tanong nya. "Ee! mam baka mahal ang pagkain doon di kaya ng budget ko." Nahihiya kong tugon sa kanya. "Ahahaha!! Binayaran na ni miss isabella yun sayang at hindi mo kinain." Natutuwa nyang tugon. "Ay ahahaha ganun po ba sayang nga." Naiilang kong sagot. "Hayaan mo na hotel naman ni miss isabella yung tinuluyan mo ee." Nakangiti nyang sabi. "HA! Hotel ni miss isabella yun?" Gulat kong tanong sa kanya. "Oo kay miss isabella iyon, marami syang negosyo dito sa bulacan pero sa makati sa maynila sya nakatira, may bahay naman sya dito sa bulacan pero ancestral house yun kaya siguro ayaw ni miss isabella dun ang alam ko 1855 pa ng itayo ang bahay na yun. Bumisita pa daw si Dr. Jose Rizal sa bahay na nung 1892, nakakatakot naman talaga tumira sa ganun baka madaming multo dun." Pagkwento ni pam.

"Ah.. mayaman pala talaga sya noh." Pagsang ayon ko sa kanya.

"Pero malungkot parin sya." Malungkot na tugon nya.

"Bakit naman ho.? Pagusisa ko.

"Ang alam ko walang pamilya si miss isabella, magisa nalang sya, tapos yung love life naman nya malungkot din dahil may isang lalake na hinahanap nya matagal na panahon na pero di pa rin nya nahahanap yun ang kwento sakin ng lola ko." Sagot nya.

"Ang lungkot nga, teka mam, lola nyo po ang nagkwento sa inyo?" Pagusisa ko ulit.

"Oo si lola taling, pero patay na sya ako ang pumalit sa kanya biglang secretary ni mam isabella." Sagot pa nya sabay subo ng pagkain.

"Ahaha!!! Teka ang labo ng kwento mo mam, ee ilang taon palang naman si mam isabella panong secretary nya ang lola mo at may hinahanap syang lalake matagal na panahon na." Pag pilosopo ko sa kwento nya.

"Ah..............ee.........anu  kasi...ganito yun, yung mommy nya....oo yung mommy nya ang boss ng lola ko." Utal nyang sagot.

"Ah, ang labo kasi ng kwento mo. Ahaha!." Nakangiti kong tugon sa kanya. Uminom na ako ng tubig dahil tapos na ako kumain.

"Late na pala, sige mauna na ko." Nagmamadaling tugon ni pam at mabilis na umalis.

"sige mam." Pagpaalam ko.
Cute si mam pam, balingkinitan sya at maputi bilugan ang mata at maiksi ang buhok na may bangs, may pakakorean sya kung pomurma sa tingin ko nasa 25 lang din ang idad nya.

"Ang ganda talaga ng Assumption church." Pagkausap ko sa sarili.

Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng office ni isabella nakatingin pa ako sa glass door ng biglang may magsalita sa likuran ko.

My Beloved Ella 1655 CenturyWhere stories live. Discover now