Ep 3. Si Alca at Lina

2 0 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa isang hospital malapit sa office ni isabella.
May 2 nurse na ngaasikaso sa akin. Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kapag naalala ko ang mga tagpo namin ni isabella hindi ko mapigilang mapangiti ganito pala pakiramdam ng kinikilig pero hindi ko dapat ipahala kay isabella na apektado ako sa nangyari nakakahiya kong malalaman nya na sa edad kong to 1st time akong nakahalik ng babae maliban sa nanay ko at isa pa lalake ako dapat astig parin ako kahit kinikilig ako..

tama dapat isipin nya na hindi ako ganun kadali makuha at isa pa hinalikan nya ako kasi baka naaalala nya sa akin ang ex boyfriend nya bigla naman akong nalungkot na baka nga gawin nya lang akong panakip butas nya para maka move on na sa ex nyang gago.

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko, bakit ba lagi nalang akong ginugulat simula ng mapunta ako sa lugar na to, nakita ko naman pumasok ang isang nurse at si isabella, hindi pa ko handang makita sya.

"Ok ka na ba? Kamusta pakiramdam mo? Tanung ni isabella.

"Oh...o..kay na ko." Nauutal kong sagot. Anu ba bakit ka nauutal jaime babae lang yan.

"Ok dinalhan pala kita ng makain." Sabay abot ng pagkaing binili nya.

"Thank you mam." Sabay ngiti para di mahalatang kinakabahan ako ayukong pagusapan ang ngyari kanina.

"Wag mo nga akong tinatawag na mam at po." Naiinis nyang sabi.

"Sorry po ay este sorry." Anu ba to, bakit nagsusungit sya kanina lang ang sweet sweet nya mga babae talaga.

"Okay lang, sorry din nagsungit ako." Nakayuko lng sya habang inaasikaso ang pagkain ko.

"Ah mam a..ay miss..isabella ako na ho dyan ko na yan." Nahihiya na ko anu ka ba. Papalingon naman sya na parang naiinis ulit.

"Ako na..ako ang dahilan kung bakit ka ngkaganyan hayaan mong gawin ko to." Pagsusungit nya pero nagaalala ang mukha nya.

"Ah okay." Di ko naman mapigilang mapangiti sa kinikilos nya ang cute nya magsungit.

"You look happy, why? Tanong nya, bigla ko namang binawi ang ngiti ko pasuplado epek.

"Ah okay na kasi ako." Palusot ko.

"Mabuti, kumain ka na muna." Sabay upo sa harap ko at akmang susubuan pa ako.

"Ako na" sabi ko pero bigla nyang iniwas sa kamay ko ang kutsara sabay senyas ng    ibuka ko ang bibig ko, napangiti nalang ako at isinubo ko na ang pagkain.

"Masarap ba mahal ko? " tanung nya..muntik naman akong maubo dahil nabilaokan ako sa itinawag nya sa akin.
" ito oh tubig" sabay abot nya ng baso ng tubig agad ko namang inabot yun at inimon ng mahimasmasan ako napatingin naman ako kay isabella ng aalala parin.
"Hindi ba masarap, sorry matagal ko ding hindi niluto ang paborito mong adobo." Malungkot nyang tugon sabay baba ng plato sa mga hita nya, pinagmasdan ko naman sya.
"Aaralin ko ulit ito promise." Sabay ngiti sa akin..teka panu nya nalaman na adobo ang paborito ko.

"Hindi naman, masarap talaga ang luto mo medyo maalat lang." Sabay ngiti hindi naman ako nabilaokan dahil sa lasa ng adobo dahil masarap talaga nagulat lng ako kasi tinawag nanaman nya akong mahal nya.

"Talaga, thank you nagustuhan mo." Sabay hawi ng buhok nya sa tenga. Napatitig lang ako sa kanya. Ganito ka ba kay arthur? Nakikita mo ba sya sa akin? Kung gagawin mo lang akong panakip butas sa ex mo sana umalis ka nalang ayokong masaktan sa unang pagibig ko please..pagkausap ko sa sarili.

"Oo ganito kami ni arthur, i use to be this way and i know you and arthur are one, you came back and this time i will never ever leave you forever no matter what happen i will stay by your side, mahal ko." Sabay hawak sa kamay ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata nya. Nagulat ako sa sinabi nya dahil parang nabasa nya ang iniisip ko. Agad syang tumayo at pinunasan ang mga luha nya binitawan nya narin ang kamay ko.

"Im sorry, I'll go ahead, kaylangan mo ng mangpahinga at hindi pa ito ang oras para sabihin sayo ang lahat." Sabay talikod at sinara na nya ang pinto.

Naguguluhan parin ako, naiwan akong magisa sa kwarto ko at iniicip parin ang mga nangyayari pero biglang bumukas ang pinto at nagtulog tulogan ako kasi baka si isabella nanaman di pa ko ready na makita sya. Narinig ko namang yung dalawang nurse lang at nagkkwentuhan sila.

"Oo totoo yun, naikwento din sakin ng lolo ko yung alamat na yun." Sabi nung isang nurse.

"talaga ikwento mo naman sakin intiresado ako." Sagot naman nung isa.

"Noong unang panahon daw may isang diwata ng dilim lagi lang syang nasadilim ang pangalan nya at ALCA lagi lang daw malungkot yung lalaking diwata kasi magisa lang sya. Isang gabi na madilim at walang buwan may isang babae chinese daw na naligaw sa gubat at ang gubat daw na yun ay tinatawag na Muldam. Nakita daw nung babae yung lalaking diwata at iniligtas nung diwata yung babae..di nagtagal bumalik dun yun babae at hinanap yung diwata at katagalan ay naging magkasintahan sila kaso nung bumalik yung babae sa bayan nila gusto syang ipakasal sa lalaking hindi nya kilala kaya tumakas yung babae at pumunta dun sa diwata. Makalipas ang ilang taon nag kaanak sila ng babae pinangalanan nila ng ella yung bata masaya silang ngsasama ng biglang isang gabi dumating yung parents nung babae at kinukuha sya sa galit nung diwatang lalake inilabas nya yung nakakatakot nyang anyo na itinatago nya sa babae at pinatay yung mga tao na gustong kumuha dun sa babae kasama sa napatay yung tatay nung babae dun lang nalaman nung babae na diwata ng dilim yung lalakeng mahal nya sa takot at galit umalis sya at iniwan yung diwata pati yung anak nila naghintay lang daw yung diwatang lalake na bumalik yung babae pero hindi na nakabalik nabalitaan nalang nya napatay ito. sa galit nya pinatay nalng nya ang sarili at naiwan yung anak nila na hindi na natagpuan pa." Kwento nung nurse.

"Ang lungkot naman pala, ee asan na kaya yung anak nila na si ella.? Tanung nung isang nurse.

" ewan ko pero ang usap usapan buhay pa daw ang batang yun haggang ngayon kasi ang makakapatay lang sa kanya ay pagibig." Sambit pa nung nurse na ngkwento.

"Ibig sabihin hundreds na ang idad nya pede ko syang tanungin sa history para sa thesis ko. Ahahahah!" Tawa pa nung nurse.

"Ang ingay mo buti nalang tulog na tulog si sir." Sabay tingin sakin nung nurse.

"Ang balita ko boyfriend daw yan ni miss isabella yung may ari ng ospital na to siguro mayaman din yan swerte no ang gwapo pa mukhang korean." Dagdag pa nya.

"Talaga pwede ko kayang syang agawin ahaha!!!" Hirit pa nung isa.

"Ambisyosa, magaral kang mabuti para makagraduate ka ayosin mo ojt mo." Sabay kurot sa nurse na ojt pala at nagtatawanan silang lumabas.
Sa wakas makahinga na ko.bulong ko sa sarili

2pm na pala naboboring na ko dito gusto ko ng umuwi hindi naman ako malala pero nakakahiya naman kong basta nalang ako aalis isa pa kay isabella din pala ang ospital na to at pinagkalat na pala nya na boyfriend nya ako, sus... ganon ba ko ka kagwapo para hindi na pakawalan.

Naalala ko bigla si mama kamusta na kaya sya nagalala na yun sigurado tatawagan ko nalang sya.

" teka asan ba yung mga gamit ko..hala baka naiwan dun sa office ni isabella nandun din pati phone ko." Lalabas nalang ako para makitawag sa phone.

Nandito na ako ngayon sa lobby natawagan ko naman na si mama at sinabi ko nalang na baka abutin na ako dito ng friday dahil sa trabaho hindi ko na sinabi na nasa ospital ako dahil mag aalala lang sya.

Ang laki pala ng ospital na to at si isabella ang may ari nito ang yaman nya talaga kaya hindi kami bagay.
Naglakad lakad naman ako hanggang makarating sa roof top ng ospital ang ganda naman dito naupo ako sa isang upuan at ako lng magisa tanaw ko mula dito ang assumption church, ilang taon na kaya ang simbahang yan?
Nagulat naman ako dahil sa isang matandang babae.

"Mahigit Apat na daang taon (400 years) na ang simbahang yan." Sabay tingin sa akin Nakabalik ka na pala, kamusta? Dadag pa nya. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

" Ako po? Tanung ko. "Oo ikaw, kamusta? Sabay ngiti at agad akong kinabahan anung malalaman ko mula sa kanya?





"::;;note po.,;;,

Yung alamat eh imagination ko lang
Please like
Thank you

NagTRY lang ako :)

My Beloved Ella 1655 CenturyWhere stories live. Discover now