Ep 9. Si lola Ising

9 0 0
                                    

Halos walang buhay na ng makarating si isabella sa ospital kong saan sya unang dinala ngunit ang ikinagulat ng mga doctor ay ang mabilis na recovery nya, matapos lamang ang isang araw agad na nagpalipat si isabella sa AC Medical Hospital na pagmamay ari nya mas magiging komportable daw kasi sya doon.

Tulog pa si isabella ng bisitahin ko sya kaya mas pinili kong mag ikot ikot muna at wag na munang istorbohin ang tulog nya, isa pa narito na rin lang ako hahanapin ko na ang sadya ko ang matandang multo na nakausap ko noon.

Umakyat ulit ako sa roof top, inikot ko iyon pero di ko nakita si lola hanggang sa napagod na ako at umupo nalang. "Kainis bakit wala sya kung kaylan naman may itatanong ako." Pagkausap ko sa sarili. Nagulantang ako ng biglang may kamay na kumalabit mula sa likuran ko, nanginginig akong lumingon.

"Sino bang hinahanap mo?" Tanong ng isang lalake, tiningnan ko naman sya mula ulo hanggang paa, nakadamit pang doctor ito, hindi pa ako nakontento tumayo ako at paikot ko syang inobserbahan.

"Mukhang hindi ka naman multo?" Sambit ko habang hawak ang baba ko.

"Multo?" Sabay tawa ng malakas..napatingin naman ako sa kanya at natigilan sa paguusisa ko.

"So hindi ka doctor na multo?" Tanong ko sa kanya..

"Oo may multo dito..pero hindi ako yun." Natatawa nyang tugon..

"Oh sorry kala ko kasi multo ee.." sabay tumawa na rin para kahit papanu mabawasan ang nakakahiya kong asal..

"Si lola ising ba ang hinahanap mo?" Tanong nya.

"Ah di ko alam pangalan nya ee pero yun ba yung matandang multo dito?"

"Oo sya nga, akala ko ako lang ang nakakausap nya." Nakangiti nyang tugon habang nakatingin na sa malayo.

"Ah ising pala pangalan nya..teka nakakausap mo din sya?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, ako nga pala si andrew Dela Vega." Sabay lahad ng kamay nya.

Inabot ko naman iyon at nagpakilala rin ako "ako naman si Jaime Royal."

"Parang narinig ko na ang pangalan mo di ko lang matandaan kong saan." Sabi pa nya..
Naisip ko naman na baka dun sa mga shismosang nurse nya narinig.

"Ah ganun ba." Tanging na itugon ko sa kanya.

"Ano bang itatanong mo kay lola baka alam ko madami na kasi syang naikwento sakin." Nakangiti nyang saad..

Napanganga naman ako at naisip kong nakikipag usap sya sa multo....katakot..
"Ah ganun ba, gusto ko kasing itanong sa kanya kong sino si Arthur Curpoz." Kumakamot pa ko sa batok ko dahil naiilang pa ako sa kanya.

"Arthur Corpuz?" Nanlaki pa ang mga mata nya at parang gulat na gulat.

"Oo, may nakita kasi akong painting nya sa bahay ng girlfriend ko." Pag kwento ko sa kanya.

"Girlfriend? Sino bang girlfriend mo? At bakit may painting sya ni arthur corpuz?" Sunod sunod nyang tanong.

"Si Isabella Curpoz ang girlfriend ko." Deretso kong tugon sa kanya syempre proud ako. Bigla naman syang napangiti.

"Hanggang ngayon ba naman." Sabay tawa ng napaka lakas animo'y magkaybigan na kaming matagal na panahon. "So ito pala ang Senior Corpuz noon." Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang kuku Sabay akbay sa akin.

Magtatanong pa sana ako kaso may dumating na isa pang doctor na lalaki.
"Nandito ka nanaman, anu kwentong multo nanaman ba ang paguusapan natin?" Tanong nito kay andrew.

"Hindi pare, iba na ngayon reincarnation na ang topic."sabay tapik sa balikat ko nagtataka naman akong napalingon sa kanya.

"Hay naku kabaliwan nanaman." Sambit nito sabay hapo sa noo. Naabit naman sya ni andrew at inakbayan din nya ito..feeling close..

My Beloved Ella 1655 CenturyWhere stories live. Discover now