CHAPTER 1: Highschool life sucks!
(Her POV)
"Sab, tama na!!!", sigaw ko habang nakaluhod sa harap ng isang drum na may lamang tubig.
Hinahawakan ni Sabrina ang likod ng ulo ko at tumatawa-tawa pa na tila isang demonyo.
Si Sabrina Fidel.. ang Campus Princess ng school, cheerleader, apple of the eye ng mga teachers (yun ay dahil palagi syang nagpapaimpress), sya lang naman ang kaisa-isang taong nagpapatikim sakin ng impyerno kahit wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. Ewan ko ba kung ba't kumukulo ang dugo sakin ng babaeng 'to?
"Oh poor Venny... kung ako sayo,magdrop-out ka na. Isa kang kahihiyan sa school. We don't accept hiddeous things here. Kaya ikaw pangit ka..", sabay diin ng hintuturo nya sa noo ko. ".. lumayas ka na sa school na 'to! Hindi ka bagay dito!", nagsitawanan naman ang mga kaibigan nya na nanunuod samin.
"Sabrina tama na!! Ano bang kasalanan ko sa inyo??!", mangiyak-ngiyak na tanong ko.
"Uhmm... wala naman. Wala ka namang kasalanan. Ay!! Meron pala!! Pangit ka!! You don't fit here. Kaya tsupe ka na!! Get your grossy body outta here!!", sambit nya sabay sabunot sa buhok ko.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Hinawakan ni Sabrina ang baba ko at halos dumiin na sa cheeks ko ang matatalim na kuko nito. Hinila nya 'ko patayo.
"Subukan mong magsumbong. Ipagbubuksan kita ng pinto sa impyerno!!", matapos ay tinulak nya ako kaya natumba ulit ako sa sahig.
"Bitches.", napalingon kaming lahat sa nagsabi nun at nadatnan ang captain ball ng basketball team ng school na si Tristan Ventice. Nakasandal ito sa pinto at nakapamulsa. With his position right now.. he looks so cool.
Wait. What? Tss. Nagawa ko pang maglandi. But it's damn true!!
Nagulat naman si Sabrina at ang mga kasama nito at tila nabato sila sa kinatatayuan nila.
"T-tristan...", kabadong sambit ni Sabrina.
"Hey. The Campus Princess! Mind if I join your business here??", sabi ni Tristan na may halong panunuksong tono.
"Uh.. uhmm.. Sh-she made a mistake!! K-kaya pinaparusahan lang namin sya!!", alibi naman ni Sabrina sabay turo sakin. Halatang gawa-gawa nya lang ang istorya para pagtakpan ang ginawa nya.
Tristan sighed and slowly shooked his head.
"Oh well, it looks like the campus princess is quiet good in lying huh!", wika ni Tristan.
Nakita kong napakagat ng pang-ilalim na labi sa Sabrina at namutla ito.
Hmmp!! Good for her!!
"I--i'm telling the truth.. ask her!!", napatingin naman sakin si Tristan.
"Is it true??", tanong nya sakin. Nakita kong pinanlakihan ako ng mata ni Sabrina na tila nagsasabing umuo ako.
"Uhmm.. o-oo..", sambit ko sabay yuko.
"Alright! I'm convinced!", wika ni Tristan sabay tango.
"A-ahh.. s-sige Tristan.. una na kami. May practice pa kami eh.", sabi ni Sabrina sabay alis kasama ang mga kaibigan nito.
Naiwan naman ako doon na nakaupo sa sahig habang nakatayo si Tristan sa harap ko na nakacross-arms.
"Hindi ka na nga lumaban.. pinagtakpan mo pa sila.", nakita kong blank ang expression ng mukha nya habang sinasabi nya ito sakin.
Hindi ko na lang sya pinansin at sinubukan ko na lamang na tumayo mula sa sahig.
"Ah-aray!!", sabi ko at napaupo ulit sa sahig.
Hindi ko ata kayang tumayo. Parang namanhid ang paa ko.
Nakita kong napasmirk si Tristan pero inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo.
Humawak ako sa kamay nito at sinubukan ulit na tumayo. This time ay nakatayo na ' ko pero naramdaman ko ulit ang pamamanhid ng paa ko kaya muntik na naman akong matumba.
Buti na lamang ay naalalayan ako ni Tristan sa magkabilang braso.
"Th-thank you..", sabi ko kahit sobrang nahihiya na ako dahil magkalapit ang mukha namin.
Isinampay ni Tristan ang kamay ko sa balikat nito at inalalayan akong tumayo.
Siguro kung hindi dumating kanina sa Tristan ay tostado na ako ngayon sa pambubully nina Sabrina.
Buti na lang at nandiyan sya.
By the way guiz. I'm Vennice Andrea Smith.. and this is my Highschool life.
Full of sorrows. Hayyy.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge!
Teen FictionIsang babaeng palaging binubully nung highschool sya. Ngayong narealize nya kung gaano sya katanga dahil hindi sya lumalaban sa mga nambubully sa kanya ngayon, she want to take revenge and show them all that she deserves to be treaten as a Princess...