CHAPTER 7: Revenge through WHAT??
(Vennice's POV)
*Slaaaaaap!!*
Kitang-kita ko ang pagsampal ni Sabrina sa isang girl sa hallway.
Halos maiyak na ang girl at hindi ito.lumalaban.
"Damn! Anong ginawa mo sa kanya??", halos sumigaw na ko sabay lapit dun sa kawawang babae.
Tiningnan ko ng masama si Sabrina.
"Ikaw pala Venny. And you're trying to be the hero here. *smirks*. By the way. That girl is my new toy simula nung nawala ka. Magpasalamat ka nga at hindi na ikaw ang binubully ko eh.", napayukom ako ng kamao at lumapit sa kanya.
Hindi dapat ako nakialam sa sitwasyong to pero ewan ko ba.
Bigla ko na lang naaalala ang sarili ko noon sa kawawang babae.
"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Ikaw pa rin ang Sabrinang B1TCH na, demonyo pa.", akmang sasampalin nya na sana ako pero pinigilan ko ang kamay nya gamit ng kamay ko at ako na mismo ang SUMAMPAL SA MAKAPAL NYANG MUKHA gamit ang kabilang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa ko at napagasp din ang mga tao sa paligid.
No one in this school ever dared to slap the Campus Princess, Sabrina.
Hinila ko yung girl at napadpad kaming dalawa sa garden.
*Sniffs*
*sobs*
*sniffs.sniffs*
Hinayaan ko syang umiyak.
"Will you please stop cryin'?? It's irritating!", pagmamaldita ko.
Agad nya namang pinahidan ang luha nya at pinatahan ang sarili nya.
Nakaupo sya sa bench samantalang ako ay nakatayo sa harap nya at nakacross arms.
"S-sorry po ate Vennice.", sambit nito.
"Pft. What? Ate? Teka.. how old are you na ba??", tanong ko.
"Fourth year highschool pa lang po ako.", and then napatingin ako sa uniform nya. Oo nga. Highschool pa lang sya.
"What's your name??",tanong ko.
"Prudence po. Mary Prudence.", napatango ako.
"Beautiful name.. it suits you. :)"
"Thank you po."
"Huwag mo nga akong pinu-po. Hindi ako Lola noh. Isang taon lang naman ang agwat mo sakin eh. Call me Vennice na lang."
"Th-thank you Vennice."
Naupo ako sa gilid nya.
"Ikwento mo nga sakin ang dahilan kung ba't ka binubully ni Sab?", sambit ko.
"K-kasi po. Muntik na pong mapunta sakin yung korona nya bilang Campus Princess ng magtransfer ako dito ng second year high school.", napatango ako.
Maganda naman talaga sya eh. Ang amo ng mukha nya. She had ang angelic face at bagay sa kanya ang name nyang Mary dahil ang ganda-ganda nya.
"Ahhh.."
"Atsaka po. Palagi ko silang nahuhuli ni Neil na magkahalikan.",
Si Neil! Tama! Yun nga ang name nung boy na kahalikan ni Sab sa elevator. Si Dane Neil Garcia.
"At alam nyang palagi ko sila nahuhuli ni Neil na magkahalikan. Alam nyang alam ko na niloloko lang nya ang boyfriend nya, si Joshua."
Si Joshua. Yun yung isang boy na kasama nya nung isang araw at nagpakilala na boyfriend nya.
Napatango ako.
"Kaya palagi nya akong sinusubaybayan. Eh minsan nagtatangka akong sabihin ang lahat kay Joshua yung boyfriend nya. Kahit hindi ako kilala ni Joshua gusto ko pa rin syang lapitan at sabihin sa kanya na niloloko lang sya ni Sab eh.", napasigh ako sa huling sinabi nya.
"Eh ang tanga-tanga mo pala eh. Kung ako sayo, wag ka na lang makialam sa kanila. Napapahamak ka pa lalo sa ginagawa mong yan eh.",wika ko.
"Eh anong magagawa ko. M-mahal ko po si Neil.", napagasp ako sa sinabi nya.
Waaah.. now I got the situation here.
"Alam kong mahal ni Sabrina ang boyfriend nya. Si Joshua. At pampalipas oras lang nya si Neil. Alam kong si Joshua lang rin ang makakapagpabago kay Sab. Kaya kung si Joshua mismo ang mang-iwan sa kanya... alam kong hahabulin nya ito at iiwan ang lahat para dito. Kahit si Neil.
Napatango ako sa kanya.
This girl have the motivations.
"At lulubusin ko na po ang pagkakataon para magpakilala kay Neil... at sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.", sabi nito sabay ngiti.
I tapped her shoulders.
"I will support you,Pru. I can do my revenge through this. But first... FRIENDS??", nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Patumbahin natin si Sabrina. FRIENDS.", Nakipagkamayan ito sakin.
Yow. Yow. Yow. How's the flow of the story?
haha.
Geh. basa-basa lang. :)
VOTE PO. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/20544108-288-k835356.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge!
أدب المراهقينIsang babaeng palaging binubully nung highschool sya. Ngayong narealize nya kung gaano sya katanga dahil hindi sya lumalaban sa mga nambubully sa kanya ngayon, she want to take revenge and show them all that she deserves to be treaten as a Princess...