CHAPTER 10: The Plan
(Vennice' POV)
Hmmmm!! Ang sarap talagang matulog.
Sana natutulog na lang ako forever.
Yumakap ako doon sa unan na nasa gilid ko.
Teka.
Hindi to unan!!
Minulat ko ang mga mata ko.
"Waaa!". Napaupo ako sa kama.
Bumungad kasi sakin ang mukha ng isang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa---Ok.Ok. Ang BOYFRIEND ko po.
Weeee! Kilig!
Pero teka. Ba't nandito si Tristan ng ganito kaaga??
I looked at him.
Ang gwapo!! Nakangiti ito sakin.
"T-tristan.. a-anong ginagawa mo dito??", tanong ko sabay suklay ng buhok ko gamit ang kamay ko.
Nakahiga ito sa kama ko... and think of it, katabi ko pala sya kanina! Tapos pinagmamasdan nya ako habang natutulog... tapos ang lapit ng mukha nya sakin at--at-- at ang weird ng ichura ko dahil kagigising ko lang. Waaaa!! Sira beauty ko sa harap ng mahal ko.
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Naupo na din si Tristan at hinigit ang unan mula sakin.
Nakita kong nagpipigil ito ng tawa.
"Nahihiya ka ba?? Don't worry..", he leaned closer to me. ".. you're still pretty.. even if you have a weird hair!", hinampas ko sya sa braso.
"Unggoy.",mahinang sambit ko at bumaba na ng kama.
Tumayo din sya at hinila ako. Niyakap ako nito mula sa likod.
Waaaa! Ang heart ko... baka mahulog! Ganito pala ang feeling ng may boyfriend?? Ang saya~
"I'm just joking. Maganda ka pa rin... kahit tubuan ka pa ng isang libong tagihawat sa mukha... ikaw pa rin ang pinakamagandang princess, OK??", umikot ako at humarap sa kanya.
"Promise??", tanong ko sabay pout.
He nodded.
"Happy 3rd Weeksary!!", sabi nya with a smile on his face.
Napapalo ako sa noo ko.
Oo nga pala! WEEKsary namin!
"Happy weeksary.", i replied.
Sumasayaw sayaw kami habang magkayakap.
Iniangat ko ang ulo ko.
"Oo nga pala. Panu ka nakapasok dito sa kwarto ko??",tanong ko sa kanya.
"Your mom..", napangiti ako.
"So.. si Mama pala ang nagpapasok sayo dito??"
"Yup."
Natigilan ako ng humiwalay ito sa pagkayakap nya sakin.
"Legal na tayo sa parents mo ah.", napaisip ako sa sinabi nya.
Oo nga noh? Kasi kung hindi, my mom won't allow him to enter my room.
Waaa! I'm so lucky to have such a mother.
"It seems like... you won my mom's trust.", ngumiti ako.
"Wala naman akong gagawing masama sayo eh. I love you that's why I respect you. Remember that, OK?", tiningala ko sya. Mas matangkad kasi sya ng kaunti kesa sakin.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge!
Teen FictionIsang babaeng palaging binubully nung highschool sya. Ngayong narealize nya kung gaano sya katanga dahil hindi sya lumalaban sa mga nambubully sa kanya ngayon, she want to take revenge and show them all that she deserves to be treaten as a Princess...