You are My Sunshine

28 0 0
                                    

Chapter One

 

Ako po si Harrieth Anne Vergara, 16 years old na ako at graduate na ng high school. Kahit na college na ako, mukha pa rin daw akong nene.  Pasensya naman, flat five lang ang height ko eh.

“ ang ganda ko grabe, ang sexy ko pa.” Nandito ako sa tapat ng full length mirror sa kwarto ko at pinagmamasdan ang kagandahang bigay ni Lord sa cute na cute na tulad ko.

Nag pose-pose pa ako sa tapat ng salamin, feeling model lang. Kulang na lang camera…

Makapag-selfie na nga rin.

Pagkatapos kong mag-picture, pinili ko yung picture ko na naka-pout yung beautiful lips ko…tapos pinost ko sa facebook.

May nag-like agad…

“ Harrieth, bilisan mo na nga!Ang tagal mo na mang magbihis.” Bulyaw sa akin ng bestfriend kong si Tiffany.

“Wait lang my Friend”

Oh siya, lalayas na muna ako… mag-mo-mall pa kami ng aking mahal na kaibigan…

Ciao!!

***

Mag-isa akong naka-upo sa isang pwesto sa isang coffee shop sa mall, habang hinihintay yung babaeng pinopormahan ko.

Bakit kaya ang tagal niyang dumating?Baka inatake na naman yun ng ka-clumsy-han. Lagi ba naman yung naaaksidente, merong minsang mahulog sa hagdan, muntik masagasaan ng bike,at mauntog sa kung saan-saan.

Dahil sa inip ko sa paghihintay sa kanya, tinawagan ko na lang siya pero walang sumasagot eh,, Ba’t kaya hindi niya sinasagot yung tawag ko? Baka kung anong nangyari dun.

“Friend! Anong masarap na i-order??”

You are My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon