Chapter 1: Strangers Again

17 0 0
                                    

Chapter 1: Strangers Again

"Hi neighbor!" a very familiar man greeted me.

"Hello." Tipid naman na sagot ko. Pang 5 lapse ko na dito sa mini park sa Palace Ville.  

Every Sunday morning nagj-jogging ako. Nagulat naman ako nang sabayan ako ni Exo. Katulad ng sinabi nya, we're neighbors. Sa tabi ng katapat kong bahay sya nakatira.

"Jogging alone?" tanong nya na halatang basta lang may masabi. Napansin ko naman na may mga pares ng mata na nakatingin sa paligid ko. Madami talgang nagj-jogging dito pag Sunday morning pero dumoble ang dami nung lumipat itong si Engr.. Exodus John Monterde. At karamihan sa kanila ay mga single ladies. Mala-Adonis kasi ang gwapo ng nilalang na nito. He's literally tall, dark and handsome. Hanggang balikat nga lang ako. Moreno ang balat nya which makes him looks hot. Brown ang kanyang mga mata na may paitaas na pilik-mata. Ang tangos pa ng ilong at kissable lips. Kulot ang kanyang buhok na magandang tignan lalo na ngayon habang naliligo sya ng pawis. Bakat pa ang 6 packs abs nya dahil basing-basa na ang white t-shirt na suot nya. Nakjogging pants sya na navy blue plus may towel na nakasabit sa leeg nya. Kung ibang tao siguro to magmumukhang driver but it's Exo. The handsome engineer next door. Tama na ang pagnanasa Zai please! XD

"Not until you came." lumingon ako sa kanya. Ngumiti naman sya.

"Madami pa lang nagjjogging dito every Sunday morning?"

"Again, not until you came." sagot ko sabay tawa.

"Tss. Ang hirap maging artista."

Huminto naman ako sa pagtakbo at naglakad na lang. Ganun din naman sya so in short, magkasabay pa rin kaming naglalakad.

"Nilalamig ka ba?" this time huminto na talaga ako at tinignan sya.

"Nope. Why?"

"Ang lakas kasi ng hangin eh." Bara ko sabay irap. 

Tumawa naman sya.

"Hindi ko maramdaman eh. You know, It feels so hot. No. I' feel so hot!" maangas na sabi nya.

"Fine." Then I continue walking. Humabol naman sya.

"You're boyfriend must be so worried." Out of the blue na comment nya. Kumunot lang ang noo ko.

"Look. A lot of guys here are staring at you." sabi nya habang palinga-linga sa paligid.

"Baka ikaw ang tinitignan." asar ko.

" Ganito na ba ako ka-gwapo?"

"Hindi. Ganyan ka na kayabang."

"Awts. But seriously, do you have a boyfriend?"

"Sort of." Sagot ko after 15 minutes. Tagal kong pinag-isipan noh!

" Haha. That's pretty complicated."

"It really is."

"Dito na pala tayo." turo nya sa bahay ko. Naglakad nap ala kami pabalik.

"By the way, I'm Exo." He offered a hand.

"Zai." Tinaggap ko yung kamay nya.

"Naiwan mo nga pala ito last Sunday." Sabay abot nya nung blue headset na rabbit ang design. Hinubad ko nga pala iyon nung nagpupunas ako ng pawis sa may bench.

"Thanks." 

"So, see you around Zai?"

"Sure. Bye." Then dumiretso na ako papuntang gate.

"Hey wait!" lumingon naman ako.

"I always caught you staring at nowhere. You must be thinking of him."

I stared at him for a while.

"Silence means yes! I wish he knew how lucky he is. Sige bye!" then he waved. Alam nya sigurong wala din akong maisasagot. Para kasing natameme ako.

"Yeah, I wish YOU knew how lucky YOU are." bulong ko habang pinagmamasdan syang maglakad.

I wish HE would knew, I wish he could remember. The memories, the love and ME.

< 6 YEARS AGO >

He is Once a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon