Chapter 3: Sleepy Me

12 0 0
                                    

Chapter 3: SLEEPY ME

EXO's POV

"Hey dude! Sagutin mo na yan. Sayang effort ni Bianca." nakangising sabi ni Uno.

Nakasakay kami sa bus pa-crossing. Galing kaming gimik somewhere in Ortigas. Kaasar nga dahil traffic. Wala yung motor ko di ko dala. Sumabay lang kasi kami ni Uno sa Ate Purple nya. Birthday kasi nung boyfriend nya at in-invite kami. Tapos iniwan kami nilang lahat dahil ang sarap ng tulog namin. Tanggal hang-over. Alas-9 na ng umaga eh. 

"Ikaw ang sumagot kung gusto mo." Sagot ko habang nakatitig sa labas ng bintana. Di halos umuusad ang mga sasakyan. Walang masakyang fx o taxi. Hindi naman pwedeng magpasundo ako dahil mag-aalala si mommy. Si Uno naman ay di mo maaasahan. Ate nya nga mismo iniwan kami. 

"Hello Biancs!" sagot nya agad pag-agaw ng phone. Ni-loudspeaker nya pa. 

" Who's this?" tanong ni Bianca on the other line. Bianca is my schoolmate. She's the Ms. Olympus University 2013. Nagkakilala kami dahil nag-join ako ng Mr. Olympus University. And I won. I don't know how or why! I don't even care. 

"It's me, the ever handsome Uno." Natatawang sabi nya. 

"Where's Exo?" 

"Oh! Exo?" biglang lingon ko kay Uno. Sumenyas ako na wag nyang sabihing kasama nya ako. 

"Wala daw sya eh." Sagot naman ni Uno. Badtrip talaga tong lalaking to. Bobits! 

"Daw? Sino nagsabi? Sya?" sunod sunod na tanong ni Bianca. I don't like this girl. She's so obsessed. She acts like she's my girlfriend. Of course, nung nag-compete kami with other schools ay kailangan sweet kami kunwari pero ewan ko ba bat tino-totoo nya. 

"No. Si Ate Purple." Pagsisinungaling bigla ni Exo. 

"Liar! I'm with Ate Purple and Kuya Iñigo kaya. Let me talk with Exo!" galit na sabi nya. Awts. Pinsan nga pala ni Bianca si Iñigo. Boyfriend ni Ate Purple. 

"Pare oh!" sabay abot sa akin ni Uno. 

Tinanggap ko naman. But I ended the call at pinatay yung phone ko. 

"Uy! Bakit mo binaba?" tanong ni Uno. 

"Usog usog lang po! Maraming sasakay." Sigaw nung kundoktor. Umusog naman ako at si Uno. Pang-tatluhan kasi yung upuan namin. I really hate public vehicles. Walang privacy. Maingay at magulo pa. 

"Pare chicks!" bulong ni Uno. Yung tumabi kasi sa kanya ay babae. Di ko naman napansin yung itsura. 

After 15 minutes ay umusad din ang traffic. Pero saglit lang. Napansin kong si Uno ay kumukuha ng picture. Geez. PAti ba naman sa public utility vehicle. Tapos ay tumatawang nagstatus pa sa fb. 

"Sweet Morning with my Babe." 

#sleepingbeauty 

#heycutie 

Tapos ay nakalagay yung picture nya. Hindi lang pala sya. Pati yung babaeng katabi nya na tulog na tulog sa balikat nya. Hindi naman kagandahan yung babae. Hindi yung pang-beauty queen. Pero natural lang. She's simple. And she seems familiar. 

"Oy! Wala pang isang Segundo 3 likes na. Iba talaga pag famous!" sabi ni Uno na medyo napalakas kaya nagising ata yung katabi nya. 

"Sorry." Nahihiyang bulong nya sabay harap sa may opposite side. 

"It's ok---" 

"Oh. Yung mga baba dyan Crossing na!" sigaw ng kundoktor kaya mabilis na tumayo yung babae. Sumunod naman kami dahil doon din naman ang baba namin. Sumigaw pa si Uno ng wait dun sa girl pero dire-diretso lang ito. 

" Hahaha pare! Look. 15 comments." Sabi ni Uno showing me his status. Naglalakad na kami papuntang sakayan ng taxi diretso sa bahay. 

Titignan ko pa lang nang biglang may umagaw nung phone. Nadulas naman bigla sa kamay ni Uno kaya mabilis na nakuha. 

"Hoy! Gag*! Akin na yan!" sigaw ni Uno. Hinabol naman namin yung single na motor. Riding in tandem. Kaso mabilis na nakasingit sa mga sasakyan yung motor. 

"Just buy a new one. Hindi mo naman first time eh" Comment ko habnag nakahawak sa tuhod dahil sa hingal. 

"Sh*t pare! Yung picture namin ni Sleeping beauty nandun!" loko talaga. Talagang sa picture nanghinayang, hindi sa phone. Maya-maya pa ay may dumating na mga pulis. Nagbigay naman kami ng statement.

ZAI's POV

"Bye Mam. Uwi na po ako." paalam ko sa kay Mam Eula, Manager ng café na pinagtratrabahuhan ko dito sa may Ortigas. 12am - 8am ang sched ko everyday 24 hours open kasi ito. Pwera lang pag Saturday and Sunday. 

"Bye ingat ka." sabi nya. Nagpaalam na din akosa iba kong workmates. 

Grabe super traffic. Wala pa halos masakyan. Kaasar kanina pa ako dito sa sakayan.

LOVE Calling... 

"Yep?" sagot ko kay Love. She's my friend / classmate. 

"Ka-out mo lang?" 

"Yup. Why?" 

"May assignment sa Tax. Gawan na lang kita. Matulog ka na." 

"Waaaaahhh Love you lovey. Thankyyyy." 

"May bayad yan oy!" 

"Wala kong pera." 

"I have lots of that. Lakad mo na lang ako kay Yujin. Hahaha." 

"Sige. Ilakad kita patungong Japan. Pero inform ko si Denver ha." 

"Baliw! Wag ka maingay hahaha. Sige na matulog ka na. Wag ka mag-sleep walk ah. Ingat." 

"Thanks Love. Bye." Hay buti na lang mabait si Love. May assignment pala sa Tax. Wala naman akong book. Mahal kasi eh. 450. Wala pang sahod -_-. Classmate ko si Love since first year. The ever kikay, beautiful and sexy lady. Opposite nga kami nun eh ewan ko bakit friends kami. She's rich din. Bestfriend ko na din sya pero yung title na bestfriend ko ay na kay Yujin eh. Si tabachingching yun. Naging classmate namin sya nung first year kaso lumipad patungong Japan nung 3rd year na kami. Bestfriends kami kasi sabi nya bestfriends kami. Haha napilitan lang. Ako daw kasi una nyang nakilala sa school. At crush sya ni Love kahit mataba sya. I mean chubby. Cute naman kasi si Yujin. Pero may jowabels si Love. Si Mr. Varsity, Denver Go. Mabait at gwapo at Mr. Nice Guy. 

"Sorry." hiyang-hiyang sabi ko. Nakasakay na ako ng bus after 28 years. Ang sikip pa ng nasakyan ko. Malaking mama kasi si Kuya. Feeling ko gwapings eh kasi pinagtitinginan nung dalawang baklang nakatayo. 

"It's ok---" narinig kong sabi nya pero tayo agad ako. Buti na lang crossing na. Wala akong maiharap eh. Paano ba naman nakatulog ako. At pagmulat ng maganda kong mga mata (XD) ay maputing braso na may mga tattoo yung una kong nakita. Natakot ako kasi banakal ata yung natulugan ko. 

Kill me now!

A/N: Comment please :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He is Once a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon