Chapter 2: First Encounter

15 0 0
                                    

Chapter 2: FIRST ENCOUNTER 

< 6 YEARS AGO >

"Hi everyone! I'm - " 

"Tinawag na ba kita Ms?" pinutol ng professor ko sa History ang napakaganda kong speech. Nagsitawanan naman ang mga fans ko. Keme lang. Yung mga faFANSin ko palang classmates. Tinignan ko naman ng masama si Jacob. He's my seatmate at ginising nya ako para sabihing ako na ang magpapakilala. Humanda sa akin to mamaya. 

It's a beautiful Monday today. May klase ako ng 4:30 pm til 9 pm. And this is my first subject. Natulog kasi ako kaya di ko alam ang nangyayari letter V pa naman ang apelyido ko eh. Basta ang alam ko lang papakilala tapos sasabihin and edad, san nakatira, course, at gustong puntahan outside the Philippines. 

"I'm sorry sir." Napahiya ako eh kaya babalik na sana ako sa upuan ko. 

"No. Ituloy mo. Panindigan mo na yan nandyan ka na eh." lalo tuloy lumakas ang tawanan. Nag-proceed na lang ako.  

"I'm Rhizaini Loise Vergara. Zai for short. I'm 19. 4th year student of BSBA-Marketing. Wala akong province dahil certified manila girl ako. If I had a chance to go somewhere out of the Philippines, I want to go to Dead Sea." 

" Dead Sea. Of all the places, why in Dead sea?" follow-up question ni Sir. 

"Curious lang po." 

"Curiosity kills the cat." 

"Well if the cat got killed, at least it'll end up in the Dead Sea." 

"I agree, at least the cat doesn't end up being a laughable stock in front because it sleeps in the class." And again nag-chorus ng tawanan ang mga butihin kong kaklase. 

"Sorry sir." 

"Don't do it next time. You may go back to your sleep now, I mean to your seat." Dire-diretso na lang akong umupo pero in-assure ko na matatapakan ko yung paa ni Jacob. Nag-ouch naman sya ng mahina but I know it hurts. After that syempre nakinig na ako.

After how one and a half hour na pagtitiis ng antok ay lipat kami sa taas na floor kasi doon yung room namin for International Marketing. Nagpaalam ako sa friends ko na iihi muna ako at mauna na sila umakyat. 

"Oops!" nagulat ako nang bumangga ako sa isang Mama. Paakyat na ako sa 4th floor ng building ng College of Business. 2nd floor kasi yung room namin kanina at doon na ako nag C.R. Naglalakad ako sa corridor ng may nabangga akong estudyante. And to my surprise, tumalsik sa sahig yung iphone nya. Yeah, IPHONE yun. Potek! Wala akong pambayad jan! 

"Hala sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko habang dinadampot yung nagkalasog-lasog nyang phone. 

"Ako na. Next time watch where you're going. Hindi yung nakakadisgrasya ka ng iba." Matapobreng sabi nya. Inabot ko sa kanya yung battery na nalaglag dahil yung lang ang nakuha ko. Dinampot nya kasi yung iba. He grabbed it with force. 

"Sorry na nga eh." 

"Tsss. Idiot."  

"Hoy next time kasi wag kang nagtetext habang naglalakad para di ka din nakakabangga. Ang yabang neto!" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Pag gantong wala akong tulog wag nya akong maasar-asar at nagigising yung dragon sa katawan ko. Hindi nya ako pinakinggan at tuloy lang sa paglakad. 

"Tss. Idiot!" panggagaya ko sa kanya with a poker face. "Feeling nya kinagwapo nya yun!" Teka, gwapo nga panget naman ng ugali. Umakyat na lang ako sa taas. At least di ako pinagbayad, Mahal yun noh.

AN: Hi! Thank you for reading. Comment please :)

He is Once a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon