The smell of the seawater, the sound of the waves hitting the shore, and the birds chirping nearby woke me up.
The sunset greeted me as I opened my eyes. Ang humuhuning mga ibon kanina ay malayang lumilipad ngayon. I would take a picture of that breathtakingly beautiful view if I could, but the searing pain that I'm feeling all over my body kept me from doing it. It also reminded me that this isn't a vacation for pleasure and relaxation.
Pinilit kong maka-upo kaya halos maiyak ako nang naramdaman ang pinagsama-samang kirot na nagmumula sa mga sugat ko. Ngayon lang... Ngayon ko lang nakita ang mga iyon. Alam kong sugatan ako, pero ang makita ang mga iyon sa kauna-unahang pagkakataon ay talagang nakaka-gimbal.
My midnight blue dress was ruined. The pair of the silver metallic heels on my feet were gone. Naka-lugay na ang buhok kong maayos ang pagkaka-pusod kanina. I'm a total mess...
Nilibot ko ang paningin ko. Gumapang ako nang nakita ang mahabang sanga ng puno sa 'di kalayuan. Nang nahawakan iyon ay kumapit ako sa malaking bato para makatayo.
Iika-ika akong naglakad patungo sa dagat. Mga paa ko palang ang nakalubog doon, pero napangiwi na ako sa hapdi. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa umabot na sa baywang ko ang tubig. Itinaas ko ang sanga at buong pwersa kong ibinaon iyon sa buhangin para may ma-kapit-an ako.
Sinalop ng palad ko ang tubig para masimulan ang paglilinis at para matanggal ang buhangin na pumasok sa mga sugat ko. Nang tumulo ang tubig sa pinaka-malalim na hiwa sa kanang braso ko ay napa-sigaw ako. My scream was so loud that the birds from the trees flew away.
I felt guilty. Ginambala ko ang tahimik na isla na ito. But I couldn't blame myself. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit nga ay naluha na ako.
Kumapit ako ng mabuti sa sanga. This is the only way so I should embrace the pain... 'Yung sakit na pinagsabay-sabay para matapos na.
Huminga ako ng malalim. Pinikit ko ang mga mata ko at mabilisang inilubog ang sarili sa ilalim ng dagat. Kahit na gustong-gusto ko nang umahon ay tiniis ko ang hapdi na nanunuot sa mga sugat ko.
Nang naramdaman kong malapit na akong malunod ay umahon na ako. One, two, three minutes... I'm not sure. I held my breath as long as I could. Hinugot ko ang sanga para maka-punta na sa dalampasigan.
I looked up. The thought of being alone in this dark, cold place scares me, but I know that the stars above will be my light and guide.
Nasa tapat ng malalaking bato ang isang itim na duffel bag. Umupo ako at binuksan iyon. Medicine kit... Canned foods... Bottled waters... Blankets... Stuff for my personal hygiene... Some clothes....
He managed to pack all these things in the midst of the war because he wanted me to survive. He left me here in order to save me. No matter how long it will take for him to get here, I'll wait. Always.