Nakapag-empake na ako kagabi at ang hudyat na lang ng aking mga kaibigan ang hinihintay ko para sa aming pag-alis. They're not in the unit, probably out for a last-minute shopping. Knowing Aly, mas inatupag pa niyon ang ibang "bagay".
I already sorted out the list that I'll give to our cleaner before we go to the airport. Wala akong OCD, gusto ko lang talaga na malinis at organized ang lahat ng kagamitan dito sa unit. Idagdag pa ang tamad at makalat na si Aly na madalas dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko. Mawawala kami ng mahigit sa isang linggo at alam ko namang nariyan si Mommy para i-monitor kung gagawin ba talaga ng maayos ng cleaner ang trabaho nito.
Naligo na ako pagkatapos kong mag-text kay Aly. Aniya'y "pauwi" pa lang raw sila ni Justin. I know that filthy mouth of her is lying. Anyway, we're not in a hurry so they could mind their own business. Hindi ko rin naman sila minamadali. That "activity" will surely take time.
I've decided to wear a pastel pink bardot cropped top and a fitted midi skirt, and a cream-colored pumps. Itinaas ko rin ang buhok ko para hindi ako hawi ng hawi kapag nainitan. And lastly, I slipped my passport, wallet, valid IDs, mini compact mirror, phone, and my favorite mint candy inside my white studded Marmont shoulder bag.
"Hey, girl! Are you done?" salubong sa akin ni Alondra pagkapasok nila ni Justin sa unit.
I nodded and crossed my arms. "Yup, kayo na lang ang hinihintay ko."
Lumapit siya sa akin at ipinasok naman ni Justin sa kwarto niya ang dala nilang mga paper bag. Umupo kami ng balisang si Aly at hinintay ko ang sasabihin niya. She kept pinching the straw of her milk tea. She's restless and I'm clueless as to why she's acting like that.
"You can talk, you know? Spill the tea, Aly," sabi ko nang hindi na matiis ang paghihintay.
Ibinaba niya 'yung milk tea at halos maiyak nang hawakan niya ang mga braso ko. "You're gonna kill me, Dome, but I've lost our passports! We were—"
I cut her off. "You...What!?"
Tumayo ako at gusto ko na lang itaob 'yung coffee table sa kagagahang ginawa ni Aly. Why did she lose it? Bakit ngayon pa?
Sinapo ko ang noo ko at naglakad patungo sa balkonahe. I need air! I freaking need it!
Idinikit ni Aly ang katawan niya sa railings at kumapit doon. Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang takot at pagsisisi sa kanyang mukha.
"I'm sorry, Dome! Justin and I had an argument, and I walked out! I didn't notice that I left my pouch at the coffee shop! No'ng binalikan namin, wala na sa table 'yung pouch! We reviewed the CCTV footage and it turned out that an old woman took it! We couldn't find her no matter how hard we tried! Pumunta na rin kami sa police station para mag-report, at sa ngayon ay hinahanap na nila 'yung matanda! I'm so sorry, Dome! Kasalanan ko!" she said hysterically.
Hinilot ko ang aking sentido at natulala. Hindi biro ang halagang ginastos namin para sa trip na ito na mauuwi lang pala sa wala. But then I thought of something that could save Aly's ass. Bumalik ako sa living room para kunin ang cellphone ko. She followed me again and tiptoed as I was browsing through the internet so she could get a clear view of what I'm doing.
"So, ano na, Dome? Ano 'yan?" tanong niya at ngumuso.
"I'm doing what's the best thing for us," sagot ko at ibinalik na ang atensyon sa screen.
Malamang ay kailangang magpagawa ng panibagong passport nina Justin at Aly kung sakaling hindi na maibalik ang mga passport nila. It'll take days to renew it. At, apat na oras na lang bago ang flight namin pa-Florida. I wouldn't really enjoy the 7-night Eastern Caribbean cruise without them. I scrolled down and was about to cancel our flights, but Aly stopped me from doing so.