I yawned as I checked the time on the clock. Ipinatong ko ang mga paa ko sa coffee table. Ibinalik ko ang tingin sa harapan nang nakarinig ng hagikgikan. I lost it when they started to kiss each other like they've never eaten before. These two... Parang iiyak ang araw 'pag hindi dumampi ang mga labi nila sa isa't isa.
I groaned and stood up. "May I remind you that I didn't come here to watch a live porn?"
Sabay silang napatingin sa akin. Tinulak ni Alondra si Justin na ngayon ay nagkakamot ng ulo. Tumikhim si Alondra at lumapit sa akin. Hinila niya ako papunta sa pintuan.
"Justin, I'm not gonna sleep with you if you lose!" Banta niya sa kasintahan bago kami lumabas sa locker room.
Hiyang-hiya ako dahil sigurado ako na narinig ng mga tao sa hallway 'yung sinabi ni Alondra. Kabilang sa mga 'yon ang coach ni Justin na sinamaan muna kami ng tingin bago pumasok sa locker room. Sa halip na ang kasama ko ang mahiya ay ako pa itong gustong kumaripas ng takbo para masabing hindi kami magkakilala.
"You should be ashamed, Aly," bulong ko habang ngumingiti sa mga camera na nakatutok sa amin.
Aly pouted. Hihilahin sana niya ang buhok ko kaya lang ay napansin niya ang mga camera. "Why would I? Kailangan niya ng motivation para manalo!"
I rolled my eyes. "Motivation?" Tumango siya.
Ibang motivation ang nasa isip ko... The fact that they almost did "it" in front of me. My poor innocent eyes...
When we reached the end of the hallway, Aly and I pushed the double doors that'll lead us to the indoor swimming pool.
The booming noise from the crowd greeted us. Ang mga miyembro ng media na galing sa iba't ibang parte ng mundo ay nagkalat sa paligid. My eyes spotted the organizers, officials, judges, special guests, some competitors, coaches, and securities.
Tumungo kami ni Aly sa bleachers. Nandoon ang dalawang upuan na pina-reserve ni Justin para sa amin. Ang mga upuan daw na iyon ang best spot para makita ang lahat ng kaganapan. We're both wearing the VIP pass, so the girls who took our seats moved out.
Pagka-upo namin ay pagse-selfie 'agad ang inatupag ni Aly. Sumasali naman ako, pero mas inabala ko ang sarili sa paglilibot ng tingin. May mga bandiritas, mga watawat, drum and lyre, at mga pagkain.
Bumaling ako kay Aly. "Swimming competition ba talaga 'to o fiesta?"
Huminto siya sa pagse-selfie. She giggled. "Amazing, isn't it? 'Pag nanalo ang Pilipinas ay may naghihintay na boodle fight sa baba!"
Para sa Pilipinas lang ba ang mga pagkain na 'yon? Paano 'pag U.S.A ang nanalo? Napa-iling ako. 'Wag naman sana...
Mas lalong umingay nang lumabas ang pambato ng Pilipinas na si Justin Enriquez kasama ang buong Team Philippines. Mabilis na inilabas ni Aly ang dalang placard. Tumayo siya at itinaas iyon.
"Go, baby! Go Philippines!" Nakalunok 'ata siya ng mikropono dahil dinig na dinig ang boses niya.
Ang boyfriend niyang papalapit na sa swimming pool ay huminto para lang bigyan siya ng nakakakilabot na flying kiss. Tuwang-tuwa naman ang mga tao sa ka-sweet-an ng dalawa.
I smiled. Seeing my best friends' happy makes me happy, too. They've been together for three years now at tatlong taon na rin akong third wheel. Istrikto ang mga magulang ni Alondra kaya lagi niya akong sinasama sa mga lakad nila ni Justin para lang mapanatag ang kalooban nina Tito at Tita. Gawain na namin iyon noong simula hanggang sa nakapagtapos kami sa kolehiyo
Kapag magche-check in sa hotel ay dalawang kwarto ang kinukuha nila. Ang isa ay para sa kanilang dalawa at ang isa ay para sa akin. Sa ilang oras na pananatili doon ay matutulog, manonood, at kakain lang ako. I'm used to it. Naging parte na rin ng buhay ko iyon.