CHAPTER 6

77 6 0
                                    

Naomi's POV~~

sabado ngayon walang pasok , pero pupunta ako  sa school para sa practice namin para sa program sa friday .. mejo kinakabahan ako ha. di ko pa kasi alam kung sino-sino mga makakasama ko tsaka isa pa , di ko rin alam kung ano yung kakantahin ko. choosy naman kase netong si ma'am Aguinaldo ayaw pa sabihin kung ano kakantahin ,may pa surprise surprise pang nalalaman >_<

**

nakasakay na ako ngayon ng jeep papuntang school nang may nagbayad na isang ale ..

" bayad po ! " sabi ng ale habang inaabot yung 20 pesos na bayad niya

iniabot ko naman since ako yung malapit sa driver at sa kanya...

" san yung bente ? " tanong ng driver

" ano ?!!!! kakabayad ko lang nung bente nawala agad ??!!!! " OA na sigaw ng ale

jusme naman tong si ate masyadong paranoid !  -_-

" tinatanong ko po kung saan bababa yung nagbayad netong bente ! " sigaw ng driver

pero si aleng paranoid , parang walang naririnig .. hinahanap parin yung benteng inabot niya XD

" asan na yon !  ano ba naman mga tao ngayon pati bayad sa jeep ninanakaw " patuloy na pag sasalita ng ale

" ate , yung bayad niyo ho nasa driver na ! tinatanong niya lang po kung saan kayo bababa , para malaman niya kung magkano isusukli niya " paglilinaw ng isang babaeng katapat ng ale

mukang di na siya nakatiis XD

" ay ganon ba . pasensya na ha , ikaw kase ! di mo sinasabe agad ! " sagot ng ale

ay bwiset XD sisihin pa daw ba si ate e siya tong di nakikinig .  wala na  akong balak pakinggan pa yung mga katwiran at kadramahan ng aleng to . buti nalang nandito na ako sa tapat ng school ...

" para po ! "

sigaw ko sa driver kaya agad naman itong huminto . agad agad akong bumaba habang nag nonobela padin ang ale.

papasok na sana ako sa gate ng school ng harangin ako ng isa sa mga guard ..

" saan ka pupunta ? " tanong ng guard

" ah . pinapunta po ako ni Mrs. Aguinaldo , may presentation po kasi akong gagawin sa program sa friday. may practice po kami " paliwanag ko

" weeeeeeeeh???! " sarkastikong sabi ng guard

aba ?! ayos ha? ano bang meron ngayon at lahat ng tao may taglay na kaabnormalan ?

sinamaan ko lang ng tingin si manong guard

" HAHAHA. sige na pumasok ka na " -guard

nagderederetso na ako sa auditorium kung san kami mag papractice , di ko na pinansin yung guard na yon , di ako natutuwa sa kanya >_< XD

pagkapasok na pagpasok ko sa auditorium ..

nakaupo sya sa isang madilim na sulok

may kumakanta .. ang ganda ng boses niya ^___^ sino kaya yun ?

dahil hindi ko makita at gusto kong makita kung sino yung kumakanta , unti unti akong lumapit ..

ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon , wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa'yo

His Cinderella ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon