Chapter 18: The Power of the Enchanted Totem

1.2K 37 8
                                    

Tyrone's POV

Naglakad na kami pabalik sa hide out. Labis labis ang nararamdaman kong tuwa ngayon dahil alam kung malapit ko nang makita ulit ang mahal ko.

" Alam kung hindi naging madali para sayo ang lahat Tyrone, kung meron man dapat gawaran ng respeto ay ikaw yun. Salamat sa pagiging matatag mo sa mga nakaraang araw. Kundi dahil sayo marahil ay wala pa sa atin ang enchanted totems. Alam ko rin na sabik na sabik kanang makita ang minamahal mo kaya wag kang mag-alala kaunting hintay nalang at maipagpapatuloy niyo na ang inyong love story ni Alexis."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Milena. Alam kung miss na miss na niya ang apo niya.

" Iba nga po talaga ang nagagawa ng pag-ibig Mistress. Napapalakas ka nito sa panahong kailangan mo ng lakas."

Tumitig naman sakin si Milena.

"But this might serve as your weakness in some circumstances. Pero tandaan mo Tyrone no magic black or white is stronger than the magic of love. "

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa labasan ng Cirenix Forest. Kumapit kami kay Milena para sa kanyang invisibility spell para hindi kami makita at ma amoy ng mga tauhan ni Leticia. Passing all the guards at the academy, walang nakakapansin sa amin ng biglang umiyak si Edina.
Nahalata kami ng nga guards.

" Ano lalaban na ba tayo?"

Tanong ko in a whispering manner.

" Hindi pa muna sa ngayon Ty, dapat hindi malaman ni Leticia na nakakalabas masok tayo sa MA."

Tama siya. Nilapitan ko muna si Edina na hangang ngayon ay pinipigil parin ang sarili.

" Shhh.. Tahan na Eddy bakit kaba umiiyak? "

Pinahid ko ang mga luha sa mata niya.

" Tyrone, I miss MA, I miss the teachers, I miss the training and I miss Alexis, Ty ibang-iba na ang MA na nakikita natin sa MA na kinagisnan natin noon."

I just gave a grief sigh. Tama rin siya maging ako man ay namimiss na rin ang MA.

" Shh.. Tahan na Edina, babalik din sa dati ang lahat, wag na wag kang mag-alala."

Tumahan na si Edina. Naglakad na kami ulit papuntang hide out pagdating dun ay nanduon na si Dominic at ang iba pang charmers na naiwan. Its nice to see them again. Tumakbo naman si Dominic papunta sa nanay niyang si Milena.

"Mama! I'm glad you're back! Ano? Success ba? Nakuha niyo ba ang susi?"

Milena smiled, and called me.

"Tyrone, ipakita mo kay Dominic ang enchanted totem."

Ibinuka ko ang palad ko at lumabas na ang enchanted totem, its sparkling brightly. Manghang mangha naman si Dominic ng tingnan ang totem,kahit ako na-aamaze parin sa perpektong kombinasyon ng pula,berde at asul na kulay.

" Ikaw Dominic, nagtagumpay kaba sa paghingi ng tulong?"

Ngumiti naman si Dominic at biglang may lumabas na babae na kamukha ni Celestia.

"Renegade? Ikaw na ba yan "

Tumakbo naman si Milena at niyakap ang babae.

"Tyrone, I would like you to meet Renegade Rhodes. Anak ko."

Nagulat ako sa sinabi ni Dominic.

"Ibig sabihin may isa pang kapatid si Celestia aside kay Carmela?"

Tumango naman si Dominic.

" Pleasure to meet you and you are?..."

Inabot ko ang kamay ko sa kanya.

"I..  I am Tyrone Chavez nice to meet you too Ms. Renegade."

Magic Academy: Return of the Mystic (Theradian Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon