Chapter 6

2 0 0
                                    

Sandara's POV

"A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko pa.

Nanatili naman siyang nakangiti sa akin ng sobrang lapad. Hindi ko mapigilan makaramdam muli ng sakit. Ang sakit lang na nagagawa niya pang ngumiti sakin ng ganyan kagandang ngiti. Ngiti na alam kong hindi ako ang dahilan.

"May gusto sana ako sabihin sayo. Pwede ka ba?"

"May magagawa pa ba ko? eh kung nandito ka na? Antayin mo nalang ako sa baba."

"Sige. Bilisan mo ha?" taas baba pa ang kilay na aniya habang nakangiti parin.

Nagpunta ako sa walk in closet ko at nagpalit. Humarap ako sa salamin.

"Tandaan mo Sandara Chin. Wag kang iiyak sa harap nila kahit na nasasaktan ka na ng sobra. Wag na wag." nangingilid ang mga luhang bilin ko pa sa sarili ko bago ako lumabas.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa salas at may dalawang juice sa table.

Nakangiti parin siya ng malapad sakin. At kitang kita mo sa mga mata niya yung kakaibang saya. Saya na parang buong buhay niya ngayon palang siya naging ganyan kasaya.

"Ano ba yon? dumayo ka pa dito? At paano mo nalaman ang bahay ko?! "

"May ibabalita lang ako sayong napakasayang balita!" masayang masaya pang sabi niya.

"Halata nga. Hindi mawala yang ngiti mo eh."

"Syempre naman no! Alam mo sobrang saya ko! At alam ko naman magiging masaya ka para sakin"

"Ano nga?"

"Sungit mo"

"Nagtatanong lang masungit na?! Anong kalokohan yun?" salubong ang kilay na tanong ko

"Oh oh! Tignan mo sumasalubong agad yang kilay mo! Masaya dapat tayo ano ka ba!"

"Bakit nga ba kasi?? pabitin ka naman eh. sabihin mo na!"

"hahahahaha! Oo na! sungit sungit mo chubs! Mas maganda ka pag nakangiti ka eh." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba connect ng kilay at ngiti ko sa sasabihin niya? Tsk

"Ano ba? May sasabihin ka ba talaga o wala?"

"Meron ngaaaaaaa! Hindi ka na ba makapag intay? at parang sinasabi niyang mga kilay mo na gusto mo na agad ako paalisin. "

"Ano ba kasi yon?"

"Eto na ngaaaaaa diba?"

Love FailuresWhere stories live. Discover now