Chapter 21

4 0 0
                                    

Sandara's POV

"Oh saan kayo galing?"
"Bakit magkasama kayo?"

O.O - me and josh

"Sa labas?" patanong na sagot ko

"Sa likod bahay?" mapanuksong tanong ni caitlyn

"Tsaka bakit basang basa kayo?" dagdag ni felix

"Oo sa pool. Nahulog kasi kami." sagot ni josh

"Bakit kayo nandoon? Nako ikaw pre ha." mapang asar na sabi ni felix

"Malisyoso mo pre. Tara na nga! para maka tulog muna tayo." inakbayan ni josh si felix.

"Ikaw girl ha. May hindi ka sinasabi." tukso parin ni caitlyn sakin

"Ano yun? Malisyosa ka rin eh. Tara na magpalit na tayo." nauna na ko maglakad

"Psh. Ginaya pa si josh."

"Maligo ka nalang nga." tsaka ako pumasok sa kwarto namin.

Kumuha ako ng mga damit at tsaka nagbabad sa shower.

Josh's POV

"Hindi mo naman sinabi sakin na gusto ko diskartehan si chubs! Sana tinulungan kita." sabi ni felix pagkapasok namin ng kwarto

"Bakit ituturo mo sakin mga moves mo kaya ka niya nagustuhan? Hahahaha Asa pre."

"Gago. Hindi ganun. Syempre naging close na close din naman kami ni chubs noh! Nagulat lang talaga ako sa inamin niya na yun noong isang gabi."

"Medyo distansiya ka muna sa kanya pre kung ayaw mo makasakit ulit ng hindi namamalayan."

"Dinidiskartehan mo na ba talaga si dara?"

"Hindi gago. Concern lang ako sa taong tulad ko, nasaktan. Alam kong hindi madali yung pinagdaanan niya kahit pagdadaanan ko palang yun."

"Akala ko eh."

"Sa tingin mo ba yung pagtitiyaga ko ng paulit ulit kay nica ay makakamove on kaagad ako ng ganun ganun lang?"

"Kaya mo yan pre. Alam ko makakamove on ka rin agad. Hindi madali pero alam kong kakayanin mo yan." pagkasabi niya noon ay tinapik niya ko sa balikat at nauna pa sakin sa banyo.

'Ang lamig pa naman'

Kinuha ko yung mga damit ko. Nagpunta ako sa kwarto nila seb at doon naligo habang wala pa sila.

Love FailuresWhere stories live. Discover now