Chapter 25

1 0 0
                                    

Sebastian's POV

"Excuse po. Bisita po kami ni dara." sabi ko sa guard ng makarating kami sa bahay nila dara.

"Sandali lang po sir. Paki antay lang po sandali" sagot niya pumasok sa loob. "Sir pasok na po kayo." pagpapapasok niya samin

"Aba eh kayo ba mga iho ang bisita ni dara?" tanong nga matandang babae na sa tingin ko ay katulong nila dara

Nakapunta na kami rito pero hanggang sa labas lang tuwing inihahatid namin sila. Ngayon palang kami nakapasok sa bahay nila dara.

"Opo ma'am" magalang na sabi ko

"Manang nalang iho. Ako ang nag aalaga kay dara dahil wala ang mga magulang niya para alagaan siya." sabi ni manang habang binubuhat ang tray ng mga pagkain

"Tulungan ko ho kayo manang?" biglang sabi ni josh kaya tinignan namin agad siya ni benj

"Ano sabi mo bro?" tanong ni benj

"Tulungan ko kako si manang sa bitbit niya." sabi niya at tumawa

'Akala ko tulungan mag alaga kay dara eh'

"Hi guys." biglang sulpot ni kendra

"Tulungan na kita kendra." kinuha naman ni benj ang bitbit na juice ni kendra.

"Sige. Manang ako na ho magsasama sa kanila doon." sumang ayon naman si manang

Dumiretso kami sa itaas, sa kwarto ni dara. Pero nahinto kami ng marinig namin sila dara at khryra na nag uusap.

"Pero hindi yun enough para mapapayag natin yung dad mo."

"Then our best wasn't good enough for him to let me stay. Buo na ang desisyon niya na umalis kami ng bansa at doon ko ipagpatuloy ang pag aaral ko."

'WTF?!'

Binuksan ko agad ang pinto at gulat naman na napatingin yung dalawa samin.

"Aalis ka khryra?" tanong ko pero tumulo lang ang mga luha sa mata niya

"Seb."

"Khryra? Ano? Aalis ka? Sa ibang bansa ka na mag aaral? Iiwan mo kami dito?" naguguluhan na tanong ko

"Oo"

'What the?!'

Gusto ko man tanungin sa kanya kung paano na ako? Iiwan nalang ba niya ako basta basta? Pero ano nga bang karapatan ko? Hindi naman niya ako boyfriend. Kaibigan niya lang ako.

"May plano ka bang sabihin sakin or samin to?" Hindi siya sumasagot.

"Iwan na muna natin sila" aya ni dara sa mga kaibigan namin para lumabas. "Listen to her seb. Don't push her to speak kung ayaw niya." sabay tapik sa akin ni dara at iniwan na bahagyang nakabukas ang pinto.

Love FailuresWhere stories live. Discover now