BLOOD 4: SECOND ENCOUNTER

7.3K 242 15
                                    

SCARLETTE RIOHEART

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong namataan ay ang hindi pamilyar na puting kisame. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Clerianne na nakaupo sa sofa malapit sa kama at may dalawang taong hindi pamilyar pa 'kong nakita.

"Finally, you're now awake, how do you feel?" tanong ni Clerianne ng mapansin ako.

"Uh, I'm fine." sagot ko.

"Ganiyan din ang sagot mo sa akin kanina pero look what happened to you." sabi niya.

"Sorry, by the way sino sila?" diretsa kong tanong at tinignan yung dalawa.

"Oh, sorry. I'm Lluara and this is Klein." pakilala nung babae sabay turo sa lalaking katabi niya.

"Oh, sila yung nakakita sayo sa room natin." paliwanag ni Clerianne.

"How?" tanong ko. Ang alam ko nakasara ang pinto pero hindi ako sigurado kung na-ilock ko ba ang pinto.

"Galing ako sa room ko at saktong napadaan kami sa room niyo. Bigla kaming nakaamoy ng dugo kaya walang alinlangan kaming pumasok sa loob." paliwanag ni Lluara.

"And we saw you lying on the floor unconcious." sabi naman ni Klein.

"So you two are a vampire." I concluded.

"Yup, but don't worry. We don't bite, it is strongly prohibited in DBA" sagot ni Lluara.

"So... Thank you." sabi ko at nginitian sila.

Dapat lang ako na magpasalamat, kung hindi dahil sa kanila ay baka may mas malala pang nangyari sa akin.

Babasahin ko nga mamaya ang school handbook, to gather more informations.

"Welcome! By the way, what's your name?" tanong ni Lluara.

"I'm Scarlette." sagot ko.

"Okay Scarlette, from now on you're our friend." sabi ni Lluara pero bago pa 'ko makaangal ay bigla silang nawala ni Klein sa paningin ko.

"What was that?" tanong ko nalang.

"You really don't know them?" tanong ni Clerianne.

"Nope, I definitely don't. Just so you know, I came from far far away and kanina lang ako nakarating dito sa Charmant." sagot ko.

"Those two are Lluara Velvet Lemercier and Klein Crinamourte." she explained.

"And so?" tanong ko.

"And so? My God Scarlette! They're Elite Vampires. And those two are one of the famous here and now Lluara just made friends with you. Awesome isn't it?" she said.

"So what? In my former school, I'm the most famous." I said. I'm telling the truth, I don't know why I'm famous there.

"Anyway, fan ka ba nila?" tanong ko.

"Actually I don't care about them, it's just that kung saan ako magpunta ay maraming nag-uusap tungkol sa kanila kaya may ibang details akong alam tungkol sa kanila." paliwanag niya.

"Nga pala, ilang oras akong tulog?" tanong ko.

"Apat na oras." sagot niya.

"I'm sorry Clerianne... Ayoko lang talaga na pag-alalahin ka pa." sabi ko.

"Nangyari na, but I'm glad hindi tumama sayo yung vase." sabi niya.

"Vase?" tanong ko at napakunot ang noo. Inalala ko ang mga pangyayari kanina.

"Naaalala ko na, yung nasanggi ko nung mawalan ako ng balanse. Sayo ba 'yong vase na 'yon?" tanong ko.

"Yup, bigay sa akin ng Dad ko nung summer." sagot niya. It must be important to her, nagu-guilty tuloy ako.

Awakening Her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon