BLOOD 7: HIDE AND SEEK

6.5K 211 6
                                    

SCARLETTE RIOHEART

Today is the day of the contest and I'm excited and nervous at the same time. Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Clerianne at Lluara. This past few days, Lluara usually hangs out with us. Nakakatuwa at nagkasundo si Clerianne at Lluara.

"Oh, ayon sila Livius." biglang sabi ni Lluara at kinaway ang kamay niya sa taas at nagsisigaw.

"Boys! Dito!" sigaw niya habang ikinakaway-kaway ang kamay niya sa ere. What the heck.

Napalingon ako kila Livius, as usual kasama niya yung mga ugok niyang kasama katulad niya. Tinignan ko lang sila hanggang sa makaupo sila.

"Girls, this is Livius, Cohen, Klion and Klein." sabi ni Lluara at tumango lang kami ni Clerianne.

"Silent treatment, e?" natatawang sabi nung Klein.

"Boys, this is Clerianne and Scarlette." sabi ni pa ni Lluara.

Bigla akong napatingin sa paligid at tama nga ako, pinagtitinginan kami. Well, kasama lang naman namin kumain sa table ang apat na ugok na kinababaliwan nila sa hindi ko malamang dahilan.

"Kasali ka sa laro diba?" tanong sa akin nung Klion. Siya yung may kulay asul na buhok.

"Yup." sagot ko.

"Goodluck." sabi niya.

"Thanks." sagot ko.

"Goodluck din." sabi naman nung Klein.

"Thanks ulit." sagot ko nanaman.

Kumain na kami at habang kumakain ay ang kulit nung kambal, yes kambal. Si Klion and Klein. Dahil sa kanila, nawala ang awkward atmosphere. Kaya medyo kumportable na ako sa kanila, medyo lang.

Nang matapos kumain ay naglakad na kami papunta sa quadrangle dahil doon magtitipon-tipon ang mga kasama sa laro, sumama nga lang 'tong mga 'to. Mamaya na daw sila pupunta sa theatre room, doon kasi mamaya lahat ng istudyante pati mga guro o staffs ng academy dahil mamaya ay gagamitin namin ang academy at doon maglalaro. Bawal nga lang sa theatre room dahil doon nga sila magtitipon-tipon at papanoorin kami sa malaking screen sa harap na nakakonekta sa mga camera's na nakakalat sa bawat sulok ng academy.

Pagdating namin sa quadrangle ay marami na ring istudyante ang mga nandoon.

"Nice outfit!" biglang sabi ni Klein kaya napatingin ako sa damit ko.

Itim na t-shirt na may naka-print na I'm a bitch at naka-pants and sneakers.

"Oo nga, ano 'yan naka-couple shirt kayo?" segunda ni Klion kaya napatingin ako sa damit ni Livius.

"Tanga mo kambal, couple shirt? E, naka long sleeve ang isa." sagot ni Klein at binatukan si Klion. Hanggang sa nagbatukan nalang sila.

Nakasuot siya ng itim na long sleeve na may naka-print na Fuck off bitches, naka-pants din ito at shoes.

"Mga bwiset." sabi ko.

"Kabado ah, mag-juice ka muna." sabi sa akin ni Lluara at inabutan ako ng isang plastic cup na may juice.

"Thanks." sabi ko at ininom ito.

"Scarlette, manalo o matalo magpapakain ka." sabi ni Klion sa akin. Tapos na sila magbatukan ng kamukha niya.

"Bakit ako?!" gulat kong tanong.

"Ikaw nagyaya, e." si Klein na ang sumagot.

"What the heck?" ayon nalang nasabi ko.

"Mananalo 'yang si Scarlette, I trust her." sabi ni Lluara na nagpangiti sa akin.

"Drama, tara na nga kambal." sabi ni Klion at hinatak na paalis si Klein.

Awakening Her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon